Monday, October 16, 2017

CPP/Ang Bayan: La­ban pa­ra ba­wi­in ang mga plan­ta­syon

Propaganda article from the Tagalog edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines Website (Oct 7): La­ban pa­ra ba­wi­in ang mga plan­ta­syon



Lumalaganap nga­yon ang ba­gong la­ra­ngan ng pa­ki­ki­ba­kang mag­sa­sa­ka sa Min­da­nao ang pag­gi­gi­it ng mga mag­sa­sa­ka ng pag-aa­ri at kontrol sa mga lu­pang plan­ta­syo­n.

Noong de­ka­da 1980, si­nak­law ng CARP ang lu­pa­in ng mga plan­ta­syo­n. Ina­ta­san ni­to ang mga ahen­sya ng es­ta­do na ili­pat ang mga ti­tu­lo ng pag-aa­ri sa lu­pa ng ilang ma­la­la­king plan­ta­syon sa pa­nga­lan ng mga mang­ga­ga­wa sa plan­ta­syon at ti­na­wag si­lang mga be­ne­pi­sya­ryo ng re­por­mang ag­rar­yo (ag­ra­ri­an reform be­neficia­ri­es o ARB).

Su­ba­lit ma­ta­pos ang tat­long de­ka­da ng pag­pa­pa­tu­pad ng CARP, na­na­na­ti­ling buo at na­ka­pai­la­lim sa kontrol ng ma­la­la­king pa­ngi­no­ong may­lu­pa at mga kor­po­ra­syon sa ag­ri­bis­nes ang mga lu­pang may ti­tu­lo. Si­na­man­ta­la ni­la ang ma­hi­hi­nang pro­bi­syo­n, na­paka­ra­ming ek­semp­syon at ma­pan­lin­lang na mga istruk­tu­ra at pro­se­so ng CARP pa­ra ma­pa­na­ti­li sa ka­ni­lang kontrol ang lu­pa at mga be­ne­pi­sya­ryo. Wa­lang na­ging say­say ang ti­tu­lo sa lu­pa na ha­wak ng mga ARB. Ki­nai­la­ngan ni­lang igi­it ang ka­ra­pa­tan na ari­in at ga­mi­tin ang ka­ni­lang lu­pa alin­su­nod sa ka­ni­lang ka­pa­sya­han.

Isang ma­ting­kad na ha­lim­ba­wa ang 28,816 ek­tar­yang plan­ta­syon ng sa­ging na kontro­la­do ng Ta­gum Agricul­tu­ral Deve­lop­ment Com­pany (Ta­deco) ng pa­mil­yang Floi­ren­do. Sa plan­ta­syong ito, wa­la ni isa sa ma­hi­git 1,890 ARB ang na­ki­ki­na­bang sa sa­ri­ling lu­pa. Na­na­na­ti­li si­lang mga mang­ga­ga­wa sa plan­ta­syo­n, tu­ma­tang­gap ng ma­ba­bang swel­do, o ma­la­la pa, ti­na­tang­gal sa tra­ba­ho kung nag­re­rek­la­mo. May­ro­ong 100,886 ARB ang buong Sout­hern Min­da­nao Re­gi­on.

Mis­mong ang CARP ang gi­na­mit ng mga pa­ngi­no­ong may­lu­pa pa­ra pa­na­ti­li­hin ang ga­ni­tong kaa­yu­san. Sa ila­lim ng hu­wad na prog­ra­ma, iti­na­yo ng gub­yer­no ang mga Agra­ri­an Reform Com­mu­nity (ARC) upang ma­ging or­ga­ni­sa­do diu­ma­no ang pa­mi­mi­gay ng lu­pa, pa­ni­ni­ngil ng amor­ti­sa­syo­n, at pag­ha­ha­tid ng su­por­tang ser­bi­syo mu­la sa gub­yer­no. Bi­nuo ang mga be­ne­pi­sya­ryo bi­lang mga koo­pe­ra­ti­ba upang di­to ma­ki­tu­ngo ang gub­yer­no at ang ka­pi­ta­lis­ta.

Sa pa­ma­ma­gi­tan ng sis­te­mang ARC, ti­pak-ti­pak na na­kontrol ng DAR at ng mga ka­pi­ta­lis­ta sa ag­ri­bis­nes ang mga ko­mu­ni­dad ka­ya’t na­ging mas ma­da­li ang pa­nga­ngam­kam ng lu­pa. Sa ma­la­la­wak na plan­ta­syo­n, ang mga ka­pi­ta­lis­ta pa rin ang ku­mu­kontrol sa iba’t ibang an­tas ng pro­se­so, sa­hod, pa­mi­li­han, pre­syo ng pro­duk­to at mga farm in­put (tu­lad ng mga bin­hi, pes­ti­sid­yo at iba pa). Ilan sa mga pa­ra­ang gi­na­mit ng mga asen­de­ro at ka­pi­ta­lis­ta sa ag­ri­bis­nes ang:
Agri­bu­si­ness Ven­tu­re Agree­ment (AVA) o kontra­ta sa pa­gi­tan ng koo­pe­ra­ti­ba ng mga ARB at ng kum­pan­ya sa ag­ri­bis­nes. Ang kum­pan­ya ang nag­ta­tak­da ng ma­hal na pre­syo ng mga farm in­put at mu­rang pro­duk­to ng mga mag­sa­sa­ka. Ang ki­ta ng mga ARB ay ha­los sa­pat la­mang pa­ra iba­yad sa utang sa farm in­put. Ma­ra­mi ang ka­so na naem­bar­go na ang lu­pa da­hil sa utang o ka­ya’y ibi­nen­ta na ang ka­ni­lang ka­ra­pa­tan sa lu­pa da­hil sa hi­rap ng bu­hay.

Sis­te­mang gro­wer (pag­pa­pa­ta­nim) o kontra­ta sa pa­gi­tan ng in­di­bid­wal o or­ga­ni­sa­syon ng mga gro­wer at ng kum­pan­ya. Sa­got ng hu­li ang la­hat ng gas­tos pe­ro ob­li­ga­dong iben­ta sa kum­pan­ya ang pro­duk­to sa pre­syong dik­ta ni­to. Sa­got ng gro­wer ang pagswel­do sa mga mang­ga­ga­wa at anu­mang pag­ka­ka­lu­gi na mai­du­lot ng ma­hi­nang ani.

May­ro­on ding kaa­yu­san kung saan sa­got ng gro­wer ang la­hat ng gas­tos at ibi­ne­ben­ta lang sa ka­pi­ta­lis­ta ang pro­duk­to. Bi­lang ta­ga­bi­li, qua­lity control lang (i­ti­na­tak­dang ka­li­dad) ang ti­ni­ti­yak ng ka­pi­ta­lis­ta.

Sis­te­mang Koop. Ang mga farm in­puts ay ipi­nauu­tang ng kum­pan­ya sa koo­pe­ra­ti­ba ng ma­li­li­it na may-a­ri ng lu­pa. Ang koo­pe­ra­ti­ba ay pu­ma­pa­pel bi­lang ahen­sya ng emple­yo pa­ra ma­kai­was ang kum­pan­ya sa anu­mang ob­li­ga­syon sa mga mang­ga­ga­wang bu­kid at emple­ya­do. Di­to rin pi­na­da­da­loy ang mga pi­na­la­la­ga­nap na mga ka­ga­mi­tan at tek­no­lo­hi­ya (ka­ra­ni­wang na­ka­sa­lig sa mga ina­ang­kat na ke­mi­kal na in­put) sa pro­duk­syo­n. Ma­hig­pit na ba­wal ang un­yon da­hil ito ay re­histra­do bi­lang koo­pe­ra­ti­ba.

Sis­te­mang Lea­se­back. Ipi­naaar­ki­la ulit ng mga be­ne­pi­sya­ryo ang lu­pa sa kum­pan­ya, at na­gi­ging mang­ga­ga­wa si­la sa sa­ri­li ni­lang lu­pa. Ma­ra­ming ka­sun­du­an ang nag­ta­ta­gal nang 30 taon. Ki­na­kal­ta­san ang ba­yad sa ar­ki­la ng lu­pa pa­ra diu­ma­no sa pag­re­ti­ro ng mang­ga­ga­wa, at sa pag­si­si­mu­la ng lea­se­back ay hin­di na ibi­ni­bi­lang ang nau­nang pa­na­hon ng ser­bi­syo ng mang­ga­ga­wa ba­go si­la nai­pa­sok sa CARP. Ilang ha­lim­ba­wa ni­to ang Marsman, La­pan­day, at ilang ba­ha­gi ng Tadeco.

Kor­po­ra­dong pag­sa­sa­ka. Bi­na­ba­go ang kla­si­pi­ka­syon ng lu­pa tu­ngong ko­mer­syal upang ilig­tas ito sa pa­ma­ma­ha­gi sa mga mag­sa­sa­ka. Da­hil di­to, ma­ra­mi sa dating nang nagsasaka ang na­wa­lan ng lu­pa.

Lea­se­hold. Nag-aar­ki­la ang kum­pan­ya ng mga lu­pang pri­ba­do o pub­li­ko pa­ra ga­wing plan­ta­syo­n, ma­da­las sa na­pa­ka­ba­bang pre­syo tu­lad ng P6,500 ba­wat ek­tar­ya ba­wat taon. Ma­ra­ming lu­pang pub­li­ko sa Min­da­nao ang na­sa lea­se­hold, tu­lad ng kontra­ta ng Tadeco sa ma­la­king ba­ha­gi ng Davao Pe­nal Co­lony, o mga pri­ba­dong lu­pang ina­ar­ki­la­han ng Marsman.

Ka­hit pa nai­gi­it ng mga mag­sa­sa­ka ang li­gal na kat­wi­ran pa­ra sa ka­ni­lang ma­ka­ta­ru­ngang pa­ni­nin­di­gan sa pag-aa­ri ng lu­pa (pag­pa­sya kung paa­no ga­ga­mi­tin at ano ang ita­ta­nim), hin­di mag­ku­ku­sa ang reak­syu­nar­yong gub­yer­no na ipa­tu­pad ito. Ta­li­was di­to, sad­yang na­tu­tu­lung-tu­long ang iba’t ibang ahen­sya ng gub­yer­no at mi­li­tar pa­ra hin­di ni­la ma­ka­mit ang ka­ni­lang ka­ra­pa­tan sa lu­pa. Noon la­mang na­ging ka­li­him ng DAR ang li­der-mag­sa­sa­kang si Ka Paeng Ma­ria­no na su­mu­por­ta ang ahen­sya sa pa­na­wa­gan ng mga mag­sa­sa­ka sa tam­pok na ka­so ng La­pan­day.

Ba­tid ng mga mag­sa­sa­ka na kai­la­ngan pa ni­lang itu­lak ang ka­ra­pa­tan ni­la sa lu­pa sa pa­ma­ma­gi­tan ng sa­ma-sa­mang pag­ki­los tu­lad ng nang­ya­ri sa La­pan­day Foods kung saan na­ba­wi ng 159 ARB sa ila­lim ng MARBAI ang 146 ek­tar­ya ma­ta­pos ang ilang bu­wang mga pag­ki­los. Sa Ara­kan Val­ley, nai­tu­lak ng 3,100 pa­mil­yang or­ga­ni­sa­do sa MAFAI na ki­la­la­nin ang ka­ni­lang ma­hi­git pi­tong de­ka­da nang pag­bu­bung­kal sa 4,387 ek­tar­yang ki­nam­kam pa­ra ma­ging ba­ha­gi ng scho­ol re­serva­ti­on.

Ang mga pag­la­ban na ito ay nag­sil­bing hu­wa­ran at inspi­ra­syon ng mga mag­sa­sa­ka pa­ra pa­la­ka­sin ang ka­ni­lang mga or­ga­ni­sa­syong nag­da­da­la ng de­ter­mi­na­syon sa pag­ka­mit ng hus­ti­syang pan­li­pu­nan. Ka­ya’t bi­nuo noong Abril ang ARB One Move­ment (AOM) bi­lang pe­de­ra­syon ng mga ARB upang mas ma­la­kas na mai­gi­it ang ka­ni­lang ka­ra­pa­tan sa lu­pa la­ban sa iba’t ibang pa­ka­na ng CARP, ma­ta­pos ang puk­pu­kang la­ba­nan sa MARBAI.

Kompre­hen­si­bong hi­na­ha­rap ng AOM ang usa­pin ng mga ARC sa pa­ma­ma­gi­tan ng pag­pa­pa­ta­tag at pag­pa­pa­la­wak ng pe­de­ra­syon AOM sa buong Sout­hern Min­da­nao pa­ra mai­pa­tu­pad ang tu­nay na re­por­ma sa lu­pa. Nag­lu­lun­sad ng mga pag­sa­sa­nay sa pa­ra­li­gal, sus­te­nab­leng ag­ri­kul­tu­ra, pag­pa­pa­tak­bo ng or­ga­ni­sa­syon pa­ti na sa pag­ta­ta­lum­pa­ti, at iba pang ka­sa­na­yan.

Sa mga ARB na nai­pag­wa­gi na ang kontrol sa sa­ri­ling lu­pa, kag­yat na usa­pin kung pa­paa­nong isa­sa­ga­wa ang pro­duk­syon na nag­sa­saa­lang-a­lang sa pag­ka­la­son ng lu­pa na de­ka-de­ka­dang si­ni­ra ng mga ke­mi­kal, ga­yun­din ang ka­sa­na­yan at kaa­la­man ng mga mag­sa­sa­ka, pa­ti na ang pa­mi­li­han sa mga pro­duk­to.

Sa ka­la­ga­yang ito, ob­li­ga­do ang mga mag­sa­sa­ka na itu­loy sa isang an­tas ang pro­duk­syon ng sa­ging. Pi­nag-uu­sa­pan ng ka­ni­lang or­ga­ni­sa­syon ang pag-i­was sa utang o ka­ya’y pag-u­tang sa ma­ba­bang in­te­res upang un­ti-un­ting ma­wa­ka­san ang isa sa pi­na­kae­pek­ti­bong mga pa­ra­ang gi­na­ga­mit ng asen­de­ro at ka­pi­ta­lis­ta sa pa­nga­ngam­kam ng lu­pa. Ti­yak na ma­gi­ging sentro ng tung­ga­li­an ang usa­pin ng pag­bi­li sa ka­ni­lang pro­duk­tong sa­ging.

Ka­sa­bay ng pang­kag­yat na mga usa­pin, ti­na­ta­naw ng mga mag­sa­sa­ka ang pag­ma­ta­ga­lang ha­mon kung paa­nong hin­di na mu­ling ma­pa­sa­ka­may ng mga asen­de­ro ang lu­pa. Su­si di­to ang pi­nag­si­si­ka­pang pag­li­pat mu­la sa pro­duk­syong mo­nocrop tu­ngo sa kompre­hen­si­bo, in­teg­ra­do, pla­na­do at ko­lek­ti­bong pag­sa­sa­ka, la­lu­na sa mga mag­sa­sa­kang ha­los sa ga­wa­ing plan­ta­syon na ti­nu­bu­an ng bait. Kai­la­ngan ito upang ma­pa­li­it ang ma­sa­mang epek­to ng mga sa­ku­na at sa­kit ng pa­na­nim, ma­pa­ngi­ba­ba­wan ang mo­no­pol­yo ng ag­ri­bis­nes sa pa­mi­li­han, ma­ti­yak ang se­gu­ri­dad sa pag­ka­in, at ma­pa­num­ba­lik ang ka­lu­su­gan ng lu­pa.

[Ang Bayan is the official newspaper of the Communist Party of the Philippines. Ang Bayan is published in Pilipino, Bisaya, Hiligaynon, Waray and English. Download Ang Bayan from the Philippine Revolution Web Central at www.philippinerevolution.info.  Ang Bayan is published fortnightly by the Central Committee of the Communist Party of the Philippines.]
https://www.philippinerevolution.info/ang_bayan/20171007-laxadban-paxadra-baxadwixadin-ang-mga-planxadtaxadsyon/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.