Sunday, June 18, 2017

CPP/NPA-Panay: Pahayag Hinggil sa Matagumpay na Reyd ng NPA sa Maasin Police Station

NPA-Panay propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines Website (Jun 18): Pahayag Hinggil sa Matagumpay na Reyd ng NPA sa Maasin Police Station

Ka Julio Montana, Spokesperson
NPA-Panay (Coronacion Chiva “Waling-Waling” Command)

18 June 2017

Pinupuri ng New People’s Army sa rehiyong Panay ang isang yunit ng NPA-Napoleon Tumagtang Command sa matagumpay nitong reyd sa istasyon ng pulis sa bayan ng Maasin, probinsya ng Iloilo, bandang 10:30 ng umaga ng Hunyo 18, 2017. Matapos ang 20-minuto na operasyong walang putok, nakumpiska ng NPA ang 11 na M16 Armalite rifle, 4 na pistola, mga bala at mga vhf radio. Maayos at ligtas na naka-withdraw ang mga Kasama pagkatapos.

Ang istasyon ng Maasin PNP ay dinis-armahan ng NPA dahil matagal nang nangingikil ang mga tauhan nito sa mga maliliit na vendors sa sentro ng bayan, samantalang nagpapabaya lamang sa paglaganap ng ilegal na droga at sugal. Ito ay sagot din ng NPA-Panay sa kontra-mamamayang Oplan Kapayapaan at kampanyang todo-gyera na pinapatupad ng AFP at PNP laban sa rebolusyonaryong kilusan sa buong bansa. Ang mabangis na kampanyang ito ay lalong nagpalubha sa mga paglabag ng AFP-PNP-paramilitar sa karapatang tao gaya ng pambobomba sa mga komunidad, sapilitang pagpapalikas, pagpatay at ilegal na pag-aresto sa mga pinaghihinalaang rebolusyonaryo, pananakot, sapilitang pag-ookupa ng kabahayan ng sibilyan at pampublikong gusali sa mga barangay, at iba pang pang-aabuso.

Labanan ang mapanlinlang na Oplan Kapayapaan at pasismo ng AFP-PNP!
Isulong ang makatarungang digmang bayan para kamtin ang tunay na kapayapaan at kaunlaran!

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.