Thursday, May 11, 2017

CPP/Ang Bayan: 2 POW, magkasunod na pinalaya

Propaganda article from the Tagalog edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines Website (May 7): 2 POW, magkasunod na pinalaya

MAGKASUNOD NA pinalaya sa magkahiwalay na okasyon ang dalawang natitirang bihag sa digma (prisoner of war o POW) sa Mindanao nitong huling mga araw ng Abril.

Pinalaya ng Bagong Hukbong Bayan-North Central Mindanao noong Abril 29 si PO2 Anthony Natividad sa Dominorog, Talakag, Bukidnon. Tinanggap siya ng peace and order council ng Region 10 sa pamumuno ni Mayor Oscar Moreno ng Talakag at iba pang tagapamagitan sa pangunguna ni Bishop Felixberto Calang. Nadakip ng mga Pulang mandirigma si Natividad sa isang tsekpoynt sa Bukidnon noong Enero 29.

Pinalaya rin ng BHB-North-eastern Mindanao si Pfc. Erwin Salan sa Brgy. Camam-onan, Gigaquit, Surigao del Norte noong Abril 29. Daan-daang mamamayan ang dumalo sa programa kung saan ipinasa siya sa mga lokal na upisyal ng prubinsya at kay Bishop Rey Timbang ng Iglesia Filipina Independiene. Ang pagpapalaya kay Salan ay pinangunahan ni Kasamang Rey Calaste (Ka Oto), tagapagsalita ng Front Committee 16 ng BHB-NEMR.

Dinakip ng BHB si Salan noong Enero 29 habang nagsasagawa ng operasyong kombat sa Brgy. Budlingin, Alegria sa parehong prubinsya.

Ang pagpapalaya sa mga POW ay noon pang Pebrero idineklara ng Partido bilang pagsuporta sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng NDFP at ng GRP. Subalit dahil sa tuluy-tuloy na operasyong kombat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at pagtangging magdeklara ng suspensyon ng operasyon, naantala nang naantala ang proseso para sa ligtas na pagpapalaya sa mga POW.

[Ang Bayan is the official newspaper of the Communist Party of the Philippines. Ang Bayan is published in Pilipino, Bisaya, Hiligaynon, Waray and English. Download Ang Bayan from the Philippine Revolution Web Central at www.philippinerevolution.info.  Ang Bayan is published fortnightly by the Central Committee of the Communist Party of the Philippines.]

https://www.philippinerevolution.info/ang_bayan/2017may07-2-pow-magkasunod-na-pinalaya/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.