Sunday, April 2, 2017

CPP/NPA-Ilocos Cordillera: Hot Pursuit ng PNP-Abra Hinaras ng NPA, 5 Sugatan

NPA propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines Website (Apr 1?):
Hot Pursuit ng PNP-Abra Hinaras ng NPA, 5 Sugatan

NPA-IIocos Cordillera (Chadli Molintas Command)

14 April 2017

Inantala ng Agustin Begnalen Command (ABC) NPA-Abra ang hot pursuit operation ng mga puersa ng PNP-Abra na tutugis sa kanila pagkatapos nilang i-reyd ang Municipal Police Station ng Malibcong, Abra noong gabi ng Marso 12.

Marso 13, alas-diyes ng umaga, hinaras ng mga puersa ng NPA ang mga tropa ng Provincial Public Safety Company (PPSC) ng PNP-Abra sa Agibo Road, Malanas, Malibcong, Abra. Lima ang nasugatan sa kanila noong bumaliktad ang isa sa tatlong komboy ng sasakyan na pinasabugan ng command detonated explosive (CDX). Nakilala ang mga ito na sina PO2 Jessie Pastores Trinidad, PO1 Marlon de la Paz, PO1 Gerome Baldos, PO1 Von Harold Layao, PO1 Kennon Sanggoy.

Ang nasabing hot pursuit operation ay direktang pinamunuan ni PNP-Abra Provincial Director Supt. Alexander Tagum kung saan kasama sa komboy ng sasakyang pinasabugan. Maalalang si Tagum ay ang dating pasistang Provincial Director ng PNP sa North Cotabato na nagmando sa pagmasaker sa mga gutom na magsasakang biktima ng tagtuyot sa Kidapawan noong Abril 2016 na naniningil ng ipinangakong bigas mula sa gobyernong Aquino.

Ipinatupad ng NPA-Abra ang pagreyd sa nasabing istasyon ng pulisya at kasunod nitong pagharas bilang armadong pwersang instrumento ng reaksyonaryong estado sa aktibong pinapapel nila sa kontra-rebolusyonaryong programa ng AFP at PNP sa Abra; at batay din sa atas ng National Operational Command (NOC) ng BHB at Komite Sentral ng PKP na isagawa ang mga opensiba laban sa mersenaryong tropa ng rehimeng Duterte pagkatapos ng pagputol sa deklarasyon ng unilateral ceasefire ng CPP-NPA at sa harap ng pagpapakawala ng all-out war nito sa rebolusyonaryong puersa at mamamayan.

https://www.philippinerevolution.info/statements/20170414-hot-pursuit-ng-pnp-abra-hinaras-ng-npa-5-sugatan

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.