Monday, April 3, 2017

CPP: Ipag­bun­yi ang Ika­la­wang Kong­re­so ng Par­ti­do! Isu­long ang dig­mang ba­yan sa mas ma­ta­as na an­tas!

Propaganda statement published by Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines Website (Mar 30): Ipag­bun­yi ang Ika­la­wang Kong­re­so ng Par­ti­do! Isu­long ang dig­mang ba­yan sa mas ma­ta­as na an­tas!  (Celebrate the Second Party Congress! Advance the people's war to a higher level)

 

 Men­sa­he ng Ko­mi­te Sentral ng PKP sa Ba­gong Huk­bong Ba­yan sa ika-48 ani­ber­sar­yo ng pag­ka­ka­ta­tag ni­to

Ipi­naaa­bot ng ba­gong-ha­lal na Ko­mi­te Sentral ng Par­ti­do Ko­mu­nis­ta ng Pi­li­pi­nas (PKP) ang mai­nit na re­bo­lu­syonaryong pag­ba­ti sa la­hat ng ku­mand at yu­nit ng Ba­gong Huk­bong Ba­yan (BHB) sa oka­syon ng ika-48 ani­ber­sar­yo na pag­ka­ka­ta­tag ni­to. Sa nga­lan ng ma­ma­ma­yang Pi­li­pi­no at la­hat ng mga re­bo­lu­syo­nar­yong pwer­sa, nag­pu­pu­gay ang Par­ti­do sa ba­wat Pu­lang ku­man­der at Pu­lang man­di­rig­ma ng BHB sa pa­gi­ging hu­wa­ran ng wa­lang pag-iim­bot na sak­ri­pi­syo at ga­nap na de­di­ka­syon sa pag­li­ling­kod sa api at pi­nag­sa­sa­man­ta­la­hang ma­ma­ma­yan.

Pa­ra­nga­lan na­tin ang la­hat ng ba­ya­ni at mar­tir ng BHB at ma­ging ang iba pang re­bo­lu­syo­nar­yong ma­ma­ma­yan na nag-a­lay ng ka­ni­lang bu­hay sa pag­ta­ta­gu­yod sa BHB at sa ar­ma­dong re­bo­lu­syo­n. Big­yan din na­tin ng pag­ki­la­la ang la­hat ng be­te­ra­nong BHB, ga­yun­din ang mga Pu­lang man­di­rig­mang na­su­ga­tan o na­pin­sa­la sa la­ba­nan na nag­pa­pa­tu­loy ng pag­ki­los sa huk­bong ba­yan o iba pang la­ra­ngan ng re­bo­lu­syo­nar­yong ga­wa­in.

Ipag­di­wang na­tin ang ma­ta­gum­pay na pag­da­os ng Ika­la­wang Kong­re­so ng Par­ti­do sa ma­ka­say­sa­yang pet­sa ng Oktub­re 24 hang­gang Nob­yembre 7, 2016 sa isang ba­seng ge­ril­ya. Sa pa­ma­ma­gi­tan ng Ika­la­wang Kong­re­so, na­ka­mit ng Par­ti­do ang iba­yong pag­ka­kai­sa at hi­git na de­ter­mi­na­syon na isu­long ang pam­ban­sa-de­mok­ra­ti­kong re­bo­lu­syon sa mas ma­ta­as na an­tas.

Na­ti­pon ng Ika­la­wang Kong­re­so ang na­mu­mu­nong mga kad­re ng Par­ti­do mu­la sa sentral hang­gang pan­re­hi­yon at pamproubinsyang mga ko­mi­te nito. Na­ga­wa ito ba­tay sa la­kas at ka­ka­ya­han ng Ba­gong Huk­bong Ba­yan. Inam­yen­da­han ng Ika­la­wang Kong­re­so ang konsti­tu­syon at prog­ra­ma ng Par­ti­do sa la­yu­ning iba­yong bigyang-liwanag ang lan­das sa pag­su­su­long ng re­bo­lu­syong Pi­li­pi­no. Na­ka­pag­ha­lal ito ng ba­gong pa­mu­nu­ang bu­mubuo ng Ko­mi­te Sentral.

Na­na­na­wa­gan ang Par­ti­do sa BHB na su­mu­long sa lan­das ng ma­ta­ga­lang dig­mang ba­yan. Ang in­ter­na­syu­nal at lo­kal na mga ka­la­ga­yan ay la­ging pa­bo­rab­le sa pag­lu­lun­sad ng re­bo­lu­syo­nar­yong ar­ma­dong pag­la­ban at pag­sa­sa­ga­wa ng mga de­mok­ra­ti­kong pang­ma­sang pa­ki­ki­ba­ka.

Pag­ya­ma­nin na­tin ang na­ti­pong mga ta­gum­pay at aral na na­ha­law sa pro­se­so ng pag­lu­lun­sad ng ar­ma­dong re­bo­lu­syo­n. Sa ga­bay ng Marxis­mo-Le­ni­nis­mo-Maois­mo, kum­­­­­­­pyan­­sa­do ang Par­ti­do na ma­pa­mu­mu­nu­an ni­to ang ma­la­ga­nap at ma­sin­sin na pa­ki­ki­dig­mang ge­ril­ya at mai­su­su­long ang dig­mang ba­yan sa mas ma­ta­ta­as na an­tas sa da­ra­ting na mga taon.

I. Sam­pung taon ng pan­da­ig­di­gang ka­pi­ta­lis­tang dep­re­syon

Mag-iisang dekada na ang pan­da­ig­di­gang ka­pi­ta­lis­tang dep­re­syo­n. Ang dep­re­syon nga­yon ay mas ma­la­wak at mas ma­la­lim na kay­sa Gre­at Dep­res­si­on ng de­ka­da 1930. Ang pag­ka­wa­sak sa mga pro­duk­ti­bong pwer­sa ay ma­la­yong mas ma­la­la at mas ma­lub­ha at ni­ya­ya­nig ang buong ka­pi­ta­lis­tang sis­te­ma.

Pa­tu­loy na lu­ma­la­ga­nap ang dis­­­­emple­yo at inaa­sa­hang uma­bot sa 201 mil­yon sa 2017. La­bis na ma­ta­as ang tan­tos ng di­semple­yo sa ha­nay ng ka­ba­ta­an. Ang mga ka­la­ga­yan sa pag­ga­wa at kun­di­syon sa pag­t­ra­ba­ho ay la­long na­ging ma­pang-a­pi kung saan 1.4 bil­yon ang tumatanggap ng napakababang sa­hod at walang katiyakan sa trabaho.

Ang ka­pi­ta­lis­tang kontra­dik­syon sa pa­gi­tan ng pan­li­pu­nang pro­duk­syon at pri­ba­dong aku­mu­la­syon ng tu­bo ay pa­tu­loy na umi­ig­ting. Ii­sang por­sye­nto ng po­pu­la­syon ng daig­dig ang ku­mu­kontrol sa $110 tril­yon o ka­la­ha­ti ng pan­da­ig­di­gang ya­man. Ti­na­ta­yang ang ya­mang ki­na­mal ng wa­long pi­na­ka­ma­la­la­king mo­no­pol­yo ka­pi­ta­lis­ta ay ka­sing la­ki ng pag-aa­ri ng mas ma­ba­bang ha­ti ng po­pu­la­syon ng mun­do. Mu­la 2009, 95% ng pang-e­ko­nom­yang pag­tu­bo ng US ay sak­mal ng pi­na­ka­ma­ta­as na isang por­sye­nto, ha­bang 90% ng mga Ame­ri­ka­no ay la­long naghi­rap.

Pa­tu­loy ang ma­bi­lis na pag­ka­bu­lok ng pan­li­pu­nan at pam­pub­li­kong imprastru­ku­ra. Ang mga ka­la­ga­yan sa pa­mu­mu­hay ng ma­sang anak­pa­wis ay pa­tu­loy na lu­ma­la­la, kap­wa sa Ikat­long Daig­dig at ma­ging sa ma­hi­hi­rap na pook at mga syu­dad at ko­mu­ni­dad ng mang­ga­ga­wa sa mga ka­pi­ta­lis­tang sentro. Ang pag­ba­was sa gas­tos pa­ra sa ser­bi­syong pan­li­pu­nan ay nag­re­sul­ta sa pag­ka­si­ra ng pam­pub­li­kong ser­bi­syong pang­ka­lu­su­gan, edu­ka­syo­n, transpor­ta­syon at iba pa.

Ang pan­li­pu­nan at pang-e­ko­nom­yang ka­la­ga­yan ng mga mang­ga­ga­wa at ma­ma­ma­yan sa mga ka­pi­ta­lis­tang ba­yan ay pa­tu­loy na su­ma­sa­ma. Bi­na­ba­ta ni­la ang ma­ba­bang sa­hod, kal­tas sa pen­syo­n, at pu­ma­pa­im­bu­log na gas­tos sa pa­mu­mu­hay. Noong 2016, uma­bot sa ka­buuang US$12.58 tril­yon ang utang ng mga pa­ma­ma­hay, tu­ma­as nang ha­los 60% mu­la sa si­nun­dang taon, at ha­los ka­sin­la­ki ng 2008. Mil­yong mang­ga­ga­wa sa US ang wa­lang ta­ha­nan sa git­na ng pag­dag­sa ng mga pa­ba­hay.

Ang lu­ma­la­lang pan­li­pu­nang ka­la­ga­yan ng mga pro­duk­ti­bong pwer­sa ay nag­du­lot ng ka­ni­lang ka­wa­lang-ka­ka­ya­hang kon­su­mu­hin ang mga pro­duk­to ng ka­ni­lang pag­ga­wa na tu­mu­tu­ngo sa pag­tu­mal ng mga pa­mi­li­han. Nag­bu­nga ito ng mga pa­mi­li­hang umaa­paw sa mga pro­duk­tong pang­kon­su­mo tu­lad ng mga cellpho­ne, com­pu­ter electro­nics, ka­suo­tan at sa­pa­tos. Bu­mag­sak ang in­ter­na­syu­nal na ka­la­ka­lan sa pi­na­ka­ma­ba­bang an­tas sa loob ng tat­long de­ka­da at tu­mu­ngo sa pag­ka­lu­gi ng ma­la­la­king kum­pan­ya sa ship­ping (kar­gong pan­da­gat) at mga ope­rey­tor ng dau­ngan.

Na­na­na­ti­li ang pan­da­ig­di­gang ka­pi­ta­lis­tang kri­sis da­hil sa di-ma­lu­tas na prob­le­ma ng la­bis na pro­duk­syon sa ila­lim ng ka­pi­ta­lis­mo. May ka­buuang pag­ba­gal ang ka­pi­ta­lis­tang pro­duk­syo­n. Lu­ma­la­ki ang im­ben­tar­yo ng mga pro­duk­tong in­ter­med­ya at ka­pi­tal tu­lad ng mga me­tal at ke­mi­kal, ma­ki­nar­yang elektri­kal, pro­duk­tong pet­rol­yo, ga­yun­din ng ase­ro at se­men­to. Mayroong mas maig­ting na kum­pe­ti­syon at pag­ka­lu­gi sa mga ka­pi­ta­lis­tang empre­sa na du­mu­du­lo sa in­ter-im­per­ya­lis­tang mga ri­ba­lan at dig­ma­an.

Pa­tu­loy na gu­ma­ga­pang ang mga eko­nom­ya ng US at mga ba­yang Eu­ro­pe­an sa su­nud-su­nod na taon ng ma­ba­gal na pag­la­ki, ha­bang inuu­ga ang Chi­na ng mag­ka­ka­su­nod na pampinansyang pag­ya­nig. Na­sa 2.3% ang pag­la­go ng pan­da­ig­di­gang GDP ng 2016, ang pi­na­ka­ma­ba­gal mu­la noong 2008. Na­bi­go sa pang­ka­la­ha­tan ang pan­da­ig­di­gang sis­te­mang ka­pi­ta­lis­ta na pasiglahin ang pro­duk­ti­bong pag­la­go mu­la 2008 at la­long na­gi­ging pi­nan­sya­li­sa­do. Ka­ra­mi­han sa ti­na­gu­ri­ang pag­la­go ay tu­lak ng utang at ng ti­na­ta­wag na “we­alth-ma­king pro­ducts” (mga pro­duk­tong pan­lik­ha ng ya­man) o di-pro­duk­ti­bong is­pe­ku­la­ti­bong ins­tru­men­tong pi­nan­sya­l. Ang pan­da­ig­di­gang utang ay na­sa US$230 tril­yon, hi­git 325% ng pan­da­ig­di­gang GDP at tat­long be­ses na mas ma­la­ki kay­sa noong 2000.

Noong 2016, lu­ma­ki nang 1.9% ang US GDP, pi­na­ka­ma­ba­gal sa loob ng li­mang taon. Na­bi­go ang re­hi­meng Oba­ma na lu­ta­sin ang mga prob­le­mang pang-e­ko­nom­ya sa na­ka­ra­ang wa­long taon sa pa­ma­ma­gi­tan ng bail-outs (pag­sa­gip) at gas­tos-mi­li­tar. Nag­ta­gum­pay lang ito sa pag­pu­no sa mga ka­ban ng ma­la­la­king oli­gar­ki­yang pam­pi­nan­sya ng mga pon­dong pan­sa­gip na sa pag­ta­ya ng iba ay hu­mi­git ku­mu­lang US$29.5 tril­yon mu­la 2008 sa ka­pin­sa­la­an ng ma­sang anak­pa­wis na pi­nag­pa­san ng mga hak­bang sa pag­ti­ti­pid.

Na­nga­ko ang ba­gong-luk­lok na re­hi­meng Trump na “i­ba­ba­lik ang mga tra­ba­ho” sa pagpapagana ng idi­nek­la­ra ni­yang pa­ta­ka­rang “Ame­rica Mu­na”. Bi­nak­las na ni­to ang Trans-Pacific Partnership (TPP) at na­ka­han­dang mu­ling ma­ki­pag-ne­go­sa­syon sa iba pang ti­na­gu­ri­ang ka­sun­du­ang “ma­la­yang kala­ka­lan” upang “i­ba­lik ang mga tra­ba­ho” sa US, na nag­ta­ta­kip sa pun­da­men­tal na kri­sis ng la­bis na pro­duk­syo­n. Ngu­nit ang pro­tek­syu­nis­mo ng gub­yer­nong US ay ma­ta­gal nang lu­ma­la­kas ka­la­kip ang mga pag­la­la­an ng sub­sid­yo ng gub­yer­no pa­ra sa mga lo­kal na empre­sa at pag­ti­ti­bay ng mga had­lang sa ka­la­ka­lan. Ga­yun­pa­man, ma­ta­gal nang si­na­sa­bo­ta­he ng gub­yer­nong US ang mul­ti­la­te­ral na mga ka­sun­du­ang pang­ka­la­ka­lan tu­lad ng GATT-WTO sa pa­ma­ma­gi­tan ng su­por­ta at sub­sid­yo sa mga empre­sa, ta­ni­man at pi­nan­syang US. Ang pa­nga­ko ni­yang “ga­ga­wing da­ki­lang mu­li ang Ame­rica” ay ti­yak na ma­ka­pi­pin­sa­la sa uring mang­ga­ga­wang US sa paghahabol niyang iba­ba ang presyo ng paggawang Ame­ri­ka­no. Bi­na­ti­kos na ni­ya ang Chi­na, at ka­hit Eu­ro­pe­an Uni­on, sa pag­ma­ni­pu­la ng pe­ra, na nag­la­la­tag ng ba­ta­yan pa­ra sa pag­la­la­gay ng mga had­lang sa ka­la­ka­lan at restrik­syon sa pa­mu­mu­hu­nan at iba pang hak­bang. Mag­bu­bun­sod ang mga ito ng kontra-hak­bang mu­la sa mga ka­ri­bal na im­per­ya­lis­ta.

Sa pag­ka­las sa Eu­ro­pe­an Uni­on, igi­ni­it ng Uni­ted King­dom ang pag­ka­tig sa pam­ban­sang pang-e­ko­nom­yang in­te­res ni­to, sa par­ti­ku­lar, upang ma­ka­pag­ta­tag ng ba­gong mga pa­mi­li­han at pang­ka­la­ka­lang partner na hin­di na­ha­had­la­ngan ng mga tun­tu­ning tak­dang-EU. Pa­pa­la­ki ang pang-e­ko­nom­yang pre­syur sa ba­ta­yang in­dustri­yal ni­to mu­la sa mu­mu­ra­hing la­bis na pro­duk­to mu­la sa Chi­na. Isa­sa­ga­wa ng UK ang mga hak­ba­nging Brexit nga­yong taon, ha­bang pi­nag-aa­ra­lan din ng iba pang ba­yang myembro ng EU ang ka­ha­lin­tu­lad na pag­ka­las.

Inin­da ng Rus­sia ang ma­ba­bang pre­syo ng kru­do bi­lang re­sul­ta ng la­bis na pro­duk­syo­n. Sa ilang ba­ha­gi, ang pa­gpa­pa­bag­sak ng pre­syo ay si­nad­ya ng US at Sau­di Ara­bia sa pa­ma­ma­gi­tan ng pag­pa­pa­la­ki ng pro­duk­syon ng sha­le oil at pag­pi­gil sa OPEC na mag­li­mi­ta ng pro­duk­syo­n. La­yu­nin ni­tong pa­hi­na­in ang nag­lu­lu­was ng la­ngis at gas na eko­nom­yang Rus­si­an ma­ging ng iba pang an­ti-US na eko­nom­yang lu­mi­lik­ha ng la­ngis tu­lad ng mga ba­yang Ve­nezue­la at Iran.

Ang pro­duk­ti­bong ka­pa­si­dad ng eko­nom­yang Chi­ne­se ay pi­na­hi­hi­na ng im­ben­tar­yo ng di-mai­ben­tang mga ka­la­kal (a­se­ro, se­micon­ductor at pang­kon­su­mong electro­nics, appli­ances, sa­sak­yan, te­la, real es­ta­te) bu­nga ng pan­da­ig­di­gang pag­tu­mal ng eko­nom­ya. Pi­na­hi­hi­na rin ito ng pa­pa­la­wak na re­la­ti­bong la­ki ng di-pro­duk­ti­bong eko­nom­ya. Nag­sa­ga­wa na rin ito ng sa­ri­ling ber­syon ng quan­ti­ta­tive ea­sing (pag-iimprenta ng pe­ra) mu­la 2009.

Noong 2015, pu­mai­lan­lang sa US$28 tril­yon o 282% ng GDP ni­to ang pam­pub­li­ko at pri­ba­dong utang sa Chi­na, di ba­ba­ba sa li­mang be­ses sa na­ka­ra­ang de­ka­da. Umu­tang ang Chi­na ng dag­dag na US$3 tril­yon sa unang tat­long kwar­to ng 2016, na nag­palaki ng utang ni­to nang hanggang 390% ng GDP.

Bi­na­ba­ha ng ti­na­gu­ri­ang wealth­-ma­na­ge­ment pro­ducts o pa­pa­ta­as-ang-ris­gong mga instrumen­tong pinansyal ang sis­te­mang pi­nan­syal ng Chi­na. Bi­nu­buo ng mga ito ang sobra sa pro­por­syong la­ki ng eko­nom­ya ng Chi­na, na ti­na­ta­yang mas ma­ba­ba lang ng ba­hag­ya sa 45% ng GDP. Ilang be­ses nang pu­mal­ya ang pa­ngu­na­hing mga stock mar­ket ng Chi­na mu­la 2015 na nag­la­lan­tad sa mga la­mat ng lu­mu­lo­bong sis­te­mang pi­nan­syal ng Chi­na. Lu­ma­la­ki ang mga pa­ngam­ba na pa­tu­ngo ang Chi­na sa isang pang­ka­la­ha­tang pag­gu­ho na ka­ha­lin­tu­lad sa US noong 2008.

Ha­bang tu­ma­ta­gal at lu­ma­la­la ang pan­da­ig­di­gang ka­pi­ta­lis­tang kri­sis, pa­tu­loy na tu­mi­tin­di ang in­ter-im­per­ya­lis­tang mga kontra­dik­syon sa ila­lim ng isang mul­ti­po­lar na daig­dig. Nag-ii­ba­yo ang ri­ba­lan sa pa­gi­tan ng pi­na­ka­ma­la­la­king im­per­ya­lis­tang ka­pang­ya­ri­han na nag-aa­ga­wan sa estra­te­hi­kong kontrol ng mga pa­mi­li­han, pi­nag­ku­ku­nan ng hi­law na ma­ter­ya­les, at sak­law ng implu­wen­sya. Lu­ma­la­ki ang pag­gas­tos mi­li­tar na uma­bot sa US$1.7 tril­yon noong 2015.

Sa git­na ng ka­bi­gu­ang ma­lu­tas ng ilang-dekadang mga pa­ta­ka­rang neo­li­be­ral ang estra­te­hi­kong pag­lu­bog ng sis­te­mang ka­pi­ta­lis­ta, may ma­la­kas na tu­ngu­hing pa-Ka­nan nga­yon sa ha­nay ng mga par­ti­do pu­li­ti­kal ng mga mo­no­pol­yo ka­pi­ta­lis­ta na may ma­la­kas na aw­to­ri­ta­ry­an at ultra-na­syu­na­lis­tang re­to­ri­ka sa US, ga­yun­din sa UK at iba pang ba­yang EU. Gi­na­ga­tu­ngan ng mga par­ti­dong ito ang xe­nop­ho­bia la­ban sa mga im­mig­rant at refu­gee, ga­yun­din ang ra­sis­mo, re­li­hi­yo­song pa­na­ti­sis­mo at pa­sis­mo. Na­gas­gas na ng nag­ha­ha­ring mga uri ang as­tang neo­li­be­ral na ma­la­yang ka­la­ka­lan at nga­yo’y nag­ha­ha­ngad ng dagdag na pag­ga­mit ng ma­ra­has na ka­pang­ya­ri­han ng es­ta­do pa­ra pag­sa­man­ta­la­han ang mga uring anak­pa­wis ni­to at ipi­lit ang mas nakabe­bentaheng mga kun­di­syon pa­ra sa mga ka­partner sa ka­la­ka­lan at pa­mu­mu­hu­nan.

Sa bi­gong pa­nga­rap na ma­pa­na­ti­li ang estra­te­hi­kong pan­da­ig­di­gang do­mi­na­syon ni­to, ipi­nag­pa­pa­tu­loy ng US ang he­ge­mo­ni­kong pag­sak­law sa buong daig­dig upang mag­pa­na­ti­li ng mga kli­yen­teng es­ta­do ni­to, mag­sa­ga­wa ng “pag­ba­ba­go ng re­hi­men,” su­ber­syon la­ban sa mga gub­yer­nong nag­gi­gi­it ng ka­sa­rin­lan at pa­na­ti­li­hin ang pre­sen­syang mi­li­tar sa pa­ngu­na­hing mga ru­ta ng ka­la­ka­lan. Gu­ma­gas­tos ang gub­yer­nong US ng hu­mi­git-ku­mu­lang $600 bil­yon taun-ta­on sa mi­li­tar ni­to, na lam­pas sa pi­nag­sa­mang gas­tos ng sumu­su­nod na sam­pung ba­yan (ka­bi­lang na ang Chi­na at Rus­sia).

Na­ba­ba­nat ang mi­li­tar ng US. Si­ni­si­kap ni­tong pa­la­ka­sin ang ha­wak sa Middle East at idep­loy ang mga pwer­sa ni­to sa hang­ga­nan ng Eu­ro­pe sa Rus­sia at sa ti­mog na ka­ra­ga­tan ng Chi­na. Akti­bo ito sa mga ge­ra sa Middle East, par­ti­ku­lar sa Iraq, Syria, Lib­ya at Ye­men. Nag­lu­lun­sad ito ng in­ter­ben­syong mi­li­tar sa Pa­les­ti­ne, Le­ba­non, Egypt, Pa­kis­tan, Pi­li­pi­nas, Ni­ge­ria, Tur­key, Ye­men, Ukrai­ne at ma­ra­mi pang ibang ba­yan. Na­ka­pag­dep­loy ito ng mga pwer­sa sa es­pe­syal na ope­ra­syon sa ma­hi­git 130 ba­yan sa diu­ma­no’y mga an­ti-te­ro­ris­mong ope­ra­syo­n. Mu­la 2013, ini­lun­sad ng US ang “Asia Pivot” ni­to upang idep­loy ang ma­hi­git ka­la­ha­ti ng tro­pang na­bal ni­to sa Asia.

Sa nga­lan ng “o­pe­ra­syong ka­la­ya­an sa na­bi­ga­syo­n,” naigiit ng US ang pre­sen­sya mi­li­tar ni­to sa South Chi­na Sea sa na­ka­ra­ang mga taon. Iti­nu­lak ni­to ang Chi­na na ag­re­si­bong magi­it ang so­be­ran­ya, na gu­ma­wa ng may ka­la­bi­sang mga pang-ang­kin ng so­be­ran­ya sa exclu­sive eco­no­mic zo­ne at te­ri­tor­yong da­gat ng Pi­li­pi­nas at mag­ta­yo ng mga mi­li­tary out­post at iba pang istruk­tu­ra na ga­nap na nag­ba­ba­le­wa­la sa mga ka­ra­pa­tan ng Pi­li­pi­nas.

Tan­da ng tu­mu­tu­bong im­per­ya­lis­tang am­bi­syon ni­to, nag­si­mu­la nang mag­ta­yo ang Chi­na ng sa­ri­ling mga ba­se mi­li­tar sa iba­yong da­gat, par­ti­ku­lar sa Africa at sa Middle East, upang ipag­tang­gol ang mga pa­mu­mu­hu­nan sa eko­nom­ya at pa­la­wa­kin ang implu­wen­sya. Na­ka­han­da na ring ma­kumple­to ng Chi­na ang unang plo­ta ng mga aircraft car­ri­er ni­to sa su­su­nod na mga taon.

Pa­tu­loy na igi­ni­gi­it ng Rus­sia ang la­kas mi­li­tar sa mga re­hi­yon ng East Eu­ro­pe, Middle East at Central Asia. May estra­te­hi­kong kontrol ito sa mga re­kur­song la­ngis sa Cas­pi­an at Black Sea. Nag­si­mu­la na itong mag­pa­ki­ta ng pre­sen­sya sa South Chi­na Sea sa pag­bi­si­ta sa mga dau­ngan sa Pi­li­pi­nas.

Upang ma­pa­sak­law ang implu­wen­sya sa pu­li­ti­ka at ma­la­ba­nan ang he­ge­mon­ya ng US, nag­lun­sad ng pang-e­ko­nom­yang open­si­bang dip­lo­ma­ti­ko ang Chi­na sa pag-a­lok ng ma­ba­bang in­te­res na pau­tang pa­ra sa imprastruk­tu­ra sa pa­ma­ma­gi­tan ng Asi­an Infrastructu­re Investment Bank (AIIB) sa ila­lim ng ti­na­ta­wag ni­tong “New World Eco­no­mic Blu­ep­rint” (Ba­gong Pan­da­ig­di­gang Pla­no sa Eko­nom­ya) at “One Belt, One Road” na ba­lang­kas ng pag­ta­ta­yo ng mga engkla­bo at pa­si­li­dad sa transpor­ta­syo­n. Estra­te­hi­kong la­yu­nin ng Chi­na na ga­mi­tin ang mas ma­la­wak na da­gat ng wa­lang emple­yong lakas-pag­ga­wa upang la­lo pang iba­ba ang pre­syo ng pag­ga­wa.

Pa­tu­loy na nag­pa­pa­un­lad ng estra­te­hi­kong koo­pe­ra­syong mi­li­tar ang Rus­sia at Chi­na sa iba pang ba­yang Eu­ra­si­an, ka­bi­lang ang India at Pa­kis­tan, sa pa­ma­ma­gi­tan ng Shang­hai Coo­pe­ra­ti­on Orga­niza­ti­on.
Ang estra­te­hi­kong kontrol sa mga re­kur­song la­ngis at tu­bong da­lu­yan, la­lu­na sa Middle East, ay na­na­na­ti­ling isa sa mga pa­ngu­na­hing nag­pa­pa­sik­lab ng in­ter-im­per­ya­lis­tang mga ri­ba­lan. Nag­ha­ra­pan na ang mag­ka­ka­tung­ga­ling im­per­ya­lis­ta sa Syria kung saan nais ng US na pa­bag­sa­kin ang re­hi­meng al-Bas­had sa pa­ma­ma­gi­tan ng pam­bo­bom­ba at sa pag-aar­mas sa mga ti­na­gu­ri­ang re­bel­de, ha­bang na­nin­di­gan ang Rus­sia (na may su­por­tang Chi­ne­se) sa gub­yer­nong Syri­an sa pa­ma­ma­gi­tan ng mga kontra-pam­bo­bom­ba la­ban sa mga re­bel­deng su­por­ta­do ng US.

Ha­bang umi­ig­ting ang in­ter-im­per­ya­lis­tang mga ri­ba­lan, ang pro­le­tar­ya­do at aping ma­ma­ma­yan sa buong daig­dig ay da­pat mag­pa­sig­la ng ka­ni­lang mga pa­ki­ki­ba­ka pa­ra sa pam­ban­sa at pan­li­pu­nang pag­la­ya. Iti­nu­tu­lak ng pa­pa­la­lang pan­li­pu­nang ka­la­ga­yan sa ila­lim ng kaa­yu­sang neo­li­be­ral ang mga mang­ga­ga­wa, mag­sa­sa­ka at ma­ma­ma­yang anak­pa­wis na mag­lun­sad ng pang­ma­sang mga pa­ki­ki­ba­ka at ar­ma­dong pag­la­ban.

Bu­ma­ba­ngon ang mga mang­ga­ga­wa at ma­ma­ma­yang anak­pa­wis sa mga at­ra­sa­dong ba­yan. Ma­ra­mi­han si­lang bu­ma­ba­ngon sa mga wel­ga at iba pang an­yo ng pa­ki­ki­ba­ka la­ban sa pag­sa­la­kay ng mga pa­ta­ka­rang neo­li­be­ral sa mga tra­ba­ho, sa­hod at ser­bi­syong pam­pub­li­ko. Sa Chi­na, puu-pu­ong li­bong mang­ga­ga­wa sa mga engkla­bo ng pag­ga­wa ang nag­lu­lun­sad ng mga pa­ki­ki­ba­kang ma­sa la­ban sa ma­pang-a­pi at ma­pag­sa­man­ta­lang mga ka­la­ga­yan. Ma­la­la­king wel­ga ng mga mang­ga­ga­wa ang pu­mu­tok na sa India at iba pang lu­gar.

Sa US, ang uring mang­ga­ga­wa, kap­wa pu­ti at may ku­lay, ay ma­ra­mi­hang bu­ma­ba­ngon la­ban sa ba­gong-luk­lok na re­hi­meng Trump na nag­dek­la­ra ng ge­ra la­ban sa mga im­mig­rant. Ma­la­la­king wel­ga ang pu­mu­tok na sa buong ba­yan pa­ra sa taas-sa­hod at iba pang is­yu.

Sa mga ba­yang na­paii­la­lim sa im­per­ya­lis­tang ag­re­syong mi­li­tar at pa­na­na­kop ng US, nag­lu­lun­sad ng ar­ma­dong pag­la­ban ang ma­ma­ma­yan, nag­sa­sa­ri­li man o su­por­ta­do ng ka­ri­bal na mga im­per­ya­lis­tang ka­pang­ya­ri­han. Ini­lu­lun­sad ang re­bo­lu­syo­nar­yong ar­ma­dong pag­la­ban sa India, Pi­li­pi­nas, Pa­les­ti­ne, Kur­dis­tan at iba pang ba­yan.

Da­pat samantalahin ng mga pro­le­tar­yong re­bo­lu­syo­nar­yo­ng pwer­­sa ang pa­bo­rab­leng mga ka­la­ga­yan upang mag­ta­tag ng mga par­ti­dong Marxis­ta-Le­ni­nis­ta-Maois­ta na ma­la­lim na na­kau­gat sa ma­ma­ma­yan at may ka­ka­ya­hang ma­ra­mi­hang mag­mu­lat, mag-or­ga­ni­sa at mag­mo­bi­li­sa sa ma­ma­ma­yan at sa pa­mu­mu­no ng ka­ni­lang ar­ma­dong pag­la­ban upang ma­ka­mit ang pam­ban­sa at pan­li­pu­nang pag­la­ya at mag­lun­sad ng so­sya­lis­tang re­bo­lu­syo­n.

II. Na­na­na­ti­li ang kri­sis ng ma­la­ko­lon­yal at ma­lap­yu­dal na sis­te­ma sa ila­lim ng re­hi­meng Du­ter­te

Patuloy na lumulubha ang mga ka­la­ga­yan sa ila­lim ng ma­la­ko­lon­yal at ma­lap­yu­dal na sis­te­ma ng Pi­li­pi­nas sa bi­gat ng pan­da­ig­di­gang ka­pi­ta­lis­tang kri­sis. Na­na­na­ti­li ang Pi­li­pi­nas sa ka­ta­yu­an ng kro­ni­kong kri­sis. Lu­mi­lik­ha ito ng an­ta­go­nis­ti­kong kontra­dik­syong ma­kau­ri sa pa­gi­tan ng ma­pag­sa­man­ta­la at pi­nag­sa­sa­man­ta­la­hang mga uri, ga­yun­din ng ma­tin­ding pak­syu­nal na mga ri­ba­lan sa loob ng nag­ha­ha­ring mga uri.

Ang di-in­dustri­yal, ag­rar­yo at at­ra­sa­dong ka­la­ga­yan ng eko­nom­yang Pi­li­pi­no ay lu­ma­la sa ma­hi­git tat­long de­ka­da ng mga pa­ta­ka­rang neo­li­be­ral. Pa­tu­loy na lu­mi­li­it ang ka­ka­ya­han ng eko­nom­yang Pi­li­pi­no na lumikha ng produkto at ma­ka­sus­ti­ne sa sa­ri­li. Inaang­kin ng reak­syu­nar­yong gub­yer­no ang 6.8% GDP na pag­la­go noong na­ka­ra­ang taon, ngu­nit nang­ya­ri ito pa­ngu­na­hin da­hil sa pan­sa­man­ta­lang pag­la­wak ng konstruk­syon at real es­ta­te. Bu­ma­ba ang pro­duk­syong ag­ri­kul­tu­ral nang 1.3% noong 2016 mu­la sa wa­lang pag­la­go sa si­nun­dang taon, ha­bang ang ba­ha­gi ni­to sa GDP ay bu­ma­ba sa 8.8% mu­la 9.5%. Sa ka­buuan, ang ba­ha­gi ng pro­duk­ti­bong mga sek­tor (ag­ri­kul­tu­ra, ma­nu­pak­tu­ra, pag­mi­mi­na at konstruk­syo­n) ay la­lo pang bu­ma­gsak sa 39.2%. Ang sek­tor ng ser­bi­syo, na pa­ngu­na­hing nag­si­sil­bi sa sir­ku­la­syon ng da­yu­hang mga ka­la­kal, ay lu­ma­wak hang­gang 49.9% ng eko­nom­ya.

Hi­git na na­kaa­sa ang Pi­li­pi­nas nga­yon sa pag­lu­lu­was ng hi­law na ma­ter­ya­les, mga ma­nu­pak­tu­rang may ma­ba­bang dag­dag-ha­la­ga, at la­kas-pag­ga­wa ng mga mig­ran­te. Da­hil wa­lang so­li­dong ka­pa­si­dad sa in­dustri­ya, du­ma­ra­nas ang ba­yan ng wa­lang ti­gil na de­pi­si­to sa ka­la­ka­lan, na tu­mu­tu­ngo na­man sa ma­tin­ding pag­sa­lig sa pa­ngu­ngu­tang at da­yu­hang pu­hu­nan, pa­ngu­na­hin sa portfo­lio investments na gi­na­ga­mit sa is­pe­ku­la­syong pi­nan­sya­l.

Wa­lang ma­ki­ki­ta lam­pas sa ki­nang ng im­port na pang­kon­su­mo, pag­ta­ta­yo ng mga imprastruk­tu­ra at mga call cen­ter na na­ka­kon­sentra sa pam­ban­sang ka­pi­tol­yo at ma­ki­ki­tid na ko­ri­dor ng ilang sentrong pro­bin­sya o ba­yan.

Pa­tu­loy na nag­du­ru­sa ang ma­ma­ma­yang Pi­li­pi­no sa pa­pa­la­lang so­syo­-e­ko­no­mi­kong ka­la­ga­yan sa ila­lim ng ma­la­ko­lon­yal at ma­la­pyu­dal na sis­te­mang pan­li­pu­nan. Lu­ma­la­ki ang pat­lang sa pa­gi­tan ng nag­ha­ha­ring gru­pong pang-e­ko­nom­ya at ng ma­la­wak na ma­yor­ya ng mga mang­ga­ga­wa at mag­sa­sa­ka. Batay sa in­de­pen­dyen­teng mga pag­ta­ya, ha­los 70% ng mga Pi­li­pi­no, o mga 66 mil­yon, ay na­bu­bu­hay sa ba­ba ng hangganan ng ka­ra­li­ta­an, ku­mi­ki­ta ng mas ma­ba­ba sa P125 sa isang araw. Sa ka­bi­lang ban­da, ang ya­man ng 40 pinakamayayamang Pi­­li­pi­no ay lu­ma­ki nang 14% mu­la 2015 hang­gang 2016, ha­bang ang tu­bo ng pi­na­ka­ma­la­la­king mga empre­sang na­ka­lis­ta sa Phi­lip­pi­ne Stock Excha­nge ay lu­ma­ki nang 18% sa ga­yon ding pa­na­hon, na la­long nag­pa­la­ki ng pat­lang sa pa­gi­tan ng nag­ha­ha­ring gru­pong pang-e­ko­nom­ya at ng ma­la­wak na ma­yor­ya ng mga mang­ga­ga­wa at mag­sa­sa­ka.

Pa­tu­loy na nag­hi­hi­rap ang mga mang­ga­ga­wa sa ma­la­wa­kang di­semple­yo, mga pa­ta­ka­ran sa plek­sib­leng pag­ga­wa at ma­ba­bang sa­hod. Ang lawak ng di­semple­yo at ka­ku­la­ngan ng emple­yo ay na­sa hu­mi­git-ku­mu­lang 11.5 mil­yon o ha­los 27% ng ka­buuang la­kas-pag­ga­wa. Hu­mi­git-ku­­­mu­­lang 1.3 mil­yong mang­­ga­ga­wa ang na­tang­gal mu­la sa ka­buuang la­kas-pag­ga­wa noong 2016. Da­hil sa ma­lub­hang ka­wa­lan ng tra­ba­ho, pa­tu­loy na des­pe­ra­dong nag­ha­ha­nap ng tra­ba­ho sa iba­yong da­gat ang mga mang­ga­ga­wa. Taun-ta­ong lu­ma­la­ki ang tan­tos ng pag­pa­pa­da­la ng de-kontra­tang mga mang­ga­ga­wa sa iba­yong da­gat.

Pa­tu­loy na du­ma­ra­nas ang mga Pi­li­pi­nong mang­ga­ga­wa ng pa­pa­lub­hang an­yo ng pang-aa­pi at pag­sa­sa­man­ta­la sa ila­lim ng kontraktwa­li­sa­syon at ka­ha­lin­tu­lad na mga pa­ka­na ng plek­sib­leng emple­yo. Sa ilang engkla­bo ng pag­ga­wa, ang tan­tos ng kontraktwa­li­sa­syon ay ka­sin­ta­as ng 90%. Pa­tu­loy na lu­ma­la ang mga ka­la­ga­yan sa pagtra­ba­ho sa ila­lim ng de­re­gu­la­syon ng mga pa­man­ta­yan sa pag­ga­wa tu­lad ng nang­ya­ring ma­la­la­king su­nog sa pab­ri­ka.

Na­na­na­ti­ling ma­ba­ba ang sa­hod. Ang mi­ni­mum na sa­hod na P491 pa­ra sa mga mang­ga­ga­wa sa NCR ay ma­ka­sa­sa­got lang sa 43% ng ha­la­gang gas­tu­sin pa­ra sa pang-a­raw na pa­nga­ngai­la­ngan ng anim-ka­ta­ong pa­mil­ya. Ang mga sa­hod ay pa­tu­loy na hi­ni­hi­la pa­ba­ba ng mga pa­ta­ka­ran tu­lad ng re­hi­yu­na­li­sa­syon ng sa­hod, da­la­wang-an­da­nang sa­hu­ran at iba pa.

Pa­tu­loy na pi­na­hi­hi­ra­pan ang ma­sang mag­sa­sa­ka ng laganap na ka­wa­lan ng lu­pa at pa­nga­ngam­kam ng lu­pa at lu­ma­la­lang mga an­yo ng pyu­dal at ma­lap­yu­dal na pag­sa­sa­man­ta­la at ma­lub­hang ka­wa­lan ng tra­ba­ho. Na­pa­tu­na­yan nang hu­wad at isi­nan­ta­bi na ang re­por­ma sa lu­pa sa ila­lim ng reak­syu­nar­yong gub­yer­no. Mo­no­po­li­sa­do pa rin ang lu­pa sa ma­la­la­king as­yen­da at ma­ging sa mga ti­na­ta­wag na mga is­ke­ma ng contract-gro­wing at ma­la­la­king plan­ta­syong pag-aa­ri ng da­yu­han na na­ka­tak­da pa­ra sa mga ta­nim na pang-eksport.

Pa­tu­loy na su­ma­sa­ma ang mga pam­pub­li­kong imprastruk­tu­ra at ser­bi­syo sa ila­lim ng neo­li­be­ral na pa­ta­ka­ran ng pri­ba­ti­sa­syon at de­re­gu­la­syo­n. Ang ma­la­wak na ma­sa ay pi­na­hi­hi­ra­pan ng pan­li­pu­nang pa­kal­tas o ka­ku­la­ngan ng alo­ka­syong bad­yet na nag­tu­tu­lak sa mga os­pi­tal pam­pub­li­ko at mga eskwe­la­hang es­ta­do, ga­yun­din sa iba pang ahen­sya pa­ra sa ser­bi­syo pub­li­ko na pu­ma­sok sa ope­ra­syong ko­mer­syal at is­ke­mang kor­po­ra­ti­sa­syon sa kapin­sa­laan ng ma­ma­ma­yan. Sa ha­los sam­pung taon na nga­yon, ang ti­na­ta­wag na prog­ra­mang con­di­tio­nal cash-transfer na di­ni­sen­yo at pi­non­do­han ng World Bank ay ga­nap na na­bi­go sa pag­lu­tas ng mga ugat ng ma­la­wa­kang ka­ra­li­ta­an.

Ang lu­ma­la­lim na kri­sis ng ma­la­ko­lon­yal at ma­lap­yu­dal na nag­ha­ha­ring sis­te­ma at ang lu­ma­la­lang mga kontra­dik­syong du­lot ni­to ang nag­pa­li­taw sa re­hi­meng Du­ter­te, na sa ma­ra­ming ba­gay ay nakatakdang maiba sa mga nau­na ri­to. Isa, si Rod­ri­go Du­ter­te ang unang pre­si­den­te ng GRP na uma­kong si­ya ay isang “Ka­li­wa” at “so­sya­lis­ta” at ha­yag na nag­pa­ki­ta ng ma­pag­kai­bi­gang paki­ki­pag-ug­na­yan sa re­bo­lu­syo­nar­yong ar­ma­dong ki­lu­san. Ha­bang me­yor, nagpakilala siyang tu­tol sa pag­ta­ta­yo ng mga pa­si­li­dad mi­li­tar ng US sa Davao City.

Na­ngi­ba­baw si­ya sa elek­syong 2016 sa­kay nang ma­la­wa­kang dis­kun­ten­to ng ma­ma­ma­yan sa nag­ha­ha­ring sis­te­ma at mit­hi­in ni­la pa­ra sa ma­pag­pa­syang pag­ba­ba­go. Nang ma­na­lo bi­lang pre­si­den­te, inia­lok ni Du­ter­te sa Ka­li­wa ang mga pu­si­syon sa ga­bi­ne­te at pumili mu­la sa lis­ta­han ng mga re­ko­men­da­do ng NDFP mu­la sa ha­nay ng prog­re­si­bo at pat­riyo­ti­kong mga li­der ma­sa upang pa­mu­nu­an ang mga ka­wa­ni­han sa re­por­ma sa lu­pa at social welfa­re, at ang pre­si­den­ti­al an­ti-poverty com­mis­si­on. Bi­nig­yan si­la ng na­ta­ta­nging pag­ka­ka­ta­on pa­ra ibigay ang to­dong su­por­ta sa mga pa­ki­ki­ba­ka ng mga mag­sa­sa­ka, mga mang­ga­ga­wa at ang ma­sang anak­pa­wis sa buong ba­yan, par­ti­ku­lar pa­ra itu­lak ang pa­ma­ma­ha­gi ng lu­pa sa Hacien­da Lui­si­ta at iba pang as­yen­da, pag­wa­wa­kas sa kontraktwa­li­sa­syo­n, pag­ti­gil ng mi­li­ta­ri­sa­syon sa mga ba­ra­ngay at iba pa.

Ga­yun­pa­man, sa ka­buuan ay do­mi­na­do ang ga­bi­ne­te ni Du­ter­te ng mga ta­ga­pag­ta­gu­yod ng mga pa­ta­ka­rang neo­li­be­ral ng na­ka­ra­ang mga re­hi­men ma­ging mga mi­li­ta­ris­tang pro-US. May mga kontra­dik­syon sa loob ng nag­ha­ha­ring pang­ka­tin, na na­ka­ug­nay rin sa pak­syu­nal na mga ri­ba­lan sa ha­nay ng mga nag­ha­ha­ring uri. Si­na­sa­la­min ng ga­yong mga ri­ba­lan ang ma­la­lim na kri­sis ng na­bu­bu­lok na na­ha­ha­ring sis­te­ma ga­yun­din ang mga kontra­dik­syong nag­mu­mu­la sa isang mul­ti­po­lar na daig­dig.

Ang mga ma­sugid na per­so­na­li­dad ng Yel­low Army ng Li­be­ral Party, ka­bi­lang ang mga Aqui­no ng Hacien­da Lui­si­ta, ay na­sa una­han ng mga pag­si­si­kap na ugain ang nag­ha­ha­ring re­hi­men. Inuu­pa­tan at si­nu­sul­su­lan si­la ng im­per­ya­lis­mong US bi­lang pam­pi­gil sa mga kontra-US na pos­tu­ra ni Du­ter­te. May mga upi­syal sa AFP na han­dang ku­mi­los la­ban kay Du­ter­te oras na utu­san si­la ng ka­ni­lang mga among Ame­rikano.

Ma­ta­pos ang ha­los wa­long bu­wan sa ka­pang­ya­ri­han, hin­di pa nai­sa­sa­lin sa kong­kre­tong pa­ta­ka­ran ang mga pa­nga­ko ni Du­ter­te, at la­long wala sa aktwal na pag­ba­ba­go at bwelo. Kai­la­ngan pa ni­yang pa­tu­na­yang naii­ba si­ya sa kan­yang mga si­nun­dan.

Ma­kai­lang be­ses nang ipi­na­nga­ko ni Du­ter­te na wa­wa­ka­san ni­ya ang kontraktwa­li­sa­syon ng pag­ga­wa. Ang pa­nga­kong ito, ga­yun­pa­man, ay hin­di na­ki­ki­ta sa DOLE Order 174 na ini­la­bas noong Mar­so 10 na nag­pa­pa­ti­bay sa Her­re­ra Law at may la­yon la­mang na maging pamantayan at dag­dag na re­gu­la­syon sa pag­pa­pa­tu­pad ng kon­traktwa­li­sa­syo­n, tu­lad ng pa­ta­ra­kan ng nau­nang mga re­hi­men. Wa­la pang ma­pag­pa­syang mga hak­bang ang re­hi­meng Du­ter­te upang tu­gu­nan ang na­ngu­ngu­nang ka­hi­ngi­an ng mga mag­sa­sa­ka pa­ra sa re­por­ma sa lu­pa. Hin­di pa ni­to ti­nu­tu­pad ang pa­ngakong lib­reng pa­tu­big.

Pau­lit-uu­lit na nag­pa­ha­yag si GRP Pre­si­dent Du­ter­te ng dek­la­ra­syon ng nag­sa­sa­ri­ling pa­ta­ka­rang pan­la­bas at kri­ti­kal sa in­ter­ben­syong mi­li­tar ng US. Bi­na­ti­kos ni­ya ang paglulunsad ng eher­si­syo mi­li­tar ng US, ang VFA at ang EDCA ngu­nit wa­la pang kong­kre­tong mga hak­bang pa­ra igi­it ang pam­ban­sang so­be­ran­ya. Sa pag­di­di­in ng mga upi­syal mi­li­tar, su­mang-a­yon si Du­ter­te na pa­hin­tu­lu­tan ang US na mag­ta­yo ng mga pa­si­li­dad mi­li­tar sa Pa­la­wan at iba pang kam­po ng AFP at mag­sa­ga­wa ng Ba­li­ka­tan Exerci­ses ga­yun­din ng 256 iba pang eher­si­syong mi­li­tar sa ba­yan nga­yong taon.

Ma­bi­bi­gat na abu­so sa ka­ra­pa­tang-tao ang na­ga­wa na ng mga pu­lis at pwer­sang mi­li­tar ng es­ta­do sa ila­lim ng “ge­ra kontra-dro­ga” at ng “to­do-ge­ra” ng re­hi­meng Du­ter­te. Si Du­ter­te mis­mo ang na­nul­sol sa bu­lok na ka­pu­li­san na mag­pa­tu­pad ng hi­bang na ge­ra la­ban sa dro­ga. Di ba­ba­ba sa 8,000 na “per­so­na­li­dad sa dro­ga”, na ka­ra­mi­han ay ma­li­li­it na mag­tu­tu­lak at gu­ma­ga­mit ng dro­ga sa ma­ra­li­tang mga ko­mu­ni­dad, ang pi­na­tay ng pu­lis sa mga ope­ra­syong “Oplan Tok­hang” ga­yun­din ng mga vi­gi­lan­te death squads.

Mu­la nang mag­dek­la­ra ng to­do-ge­ra la­ban sa mga re­bo­lu­syo­nar­yong pwer­sa noong Peb­re­ro, nag­lun­sad ang mi­li­tar at itinayo-ng-AFP na mga gru­pong pa­ra­mi­li­tar ng wa­lang-ha­bas na mga pa­ma­mas­lang at ar­ma­dong pa­nu­nu­pil la­ban sa mga mag­sa­sa­ka at mi­nor­yang ma­ma­ma­yan. Inu­tu­san ni Du­ter­te ang AFP na “pa­ta­gin ang mga bun­dok,” gamit ang mga he­licop­ter gunships at ba­gong-bi­ling jet-fighters upang mam­bom­ba mu­la sa him­pa­pa­wid. Lu­bos na wa­lang pa­sa­saa­lang-a­lang sa bu­hay at ka­bu­ha­yan ng mga si­bil­yan, nam­bom­ba ang AFP sa Com­pos­te­la Val­ley, Sa­ra­nga­ni, Abra, Ma­gu­in­da­nao, Agu­san del Nor­te at iba pang lu­gar.

Ina­nun­syo na ng AFP ang ba­gong kontra-in­sur­hen­syang pla­no ni­to na Oplan Ka­pa­ya­pa­an, na sa ka­buuan ay na­ka­ba­tay sa nag­da­ang Oplan Ba­ya­ni­han sa usa­pin ng pag­ku­kum­bi­na ng mga ope­ra­syong say­war, in­te­lid­yens at kom­bat. Ma­hi­git 400 bi­lang­gong pu­li­ti­kal ang na­na­na­ti­ling na­ka­ku­long, ma­ra­mi ang ilang taon nang hin­di ma­ka­ta­ru­ngang na­ka­ku­long nang wa­lang pag­bi­bis­ta.

Nag-ii­ba­yo ang li­ga­lig ng ma­ma­ma­yang Pi­li­pi­no sa na­pa­kong mga pa­nga­ko ni Du­ter­te. Hi­ni­hi­ngi ni­la ang pam­ban­sang so­be­ran­ya, pam­ban­sang in­dustri­ya­li­sa­syo­n, tu­nay na re­por­ma sa lu­pa, pag­wa­wa­kas sa bu­ruk­ra­ti­kong ko­rap­syon at ma­la­wa­kang ka­ra­li­ta­an at pang-aa­pi. Ti­yak na ma­ra­mi­hang mag-aal­sa ang mga mang­ga­ga­wa upang hi­ngi­in ang pag­wa­wa­kas sa kontraktwa­li­sa­syon at ipa­na­wa­gan ang pag­ta­as ng sa­hod at ang pag­ti­gil ng re­hi­yu­na­li­sa­syon ng sa­hod at iba pang pa­ka­na pa­ra pa­ba­ba­in ang sa­hod. Ang pa­ki­ki­ba­kang ma­sa ng mga mag­sa­sa­ka ay pu­mu­pu­tok sa buong ban­sa upang igi­it ang ka­ni­lang ka­ra­pa­tan sa pag­ma­may-a­ri ng lu­pa at pag­ta­nim ng mga pa­gka­ing pa­na­nim (ki­lu­sang “bung­ka­lan”), hu­mi­ngi ng ma­ka­ta­ru­ngang pre­syo pa­ra sa ka­ni­lang mga pro­duk­to, la­ba­nan ang usu­ra at ang ma­pang-a­ping mga bang­ko sa microfi­nancing at pag­la­ban sa mi­li­ta­ri­sa­syon ng ka­ni­lang mga ko­mu­ni­dad. Pi­na­ig­ting ng mga ma­ra­li­tang lun­sod ang ka­ni­lang pa­ki­ki­ba­ka la­ban sa pri­ba­ti­sa­syon ng pa­ba­hay sa ka­ni­lang pi­na­ka­hu­ling pag-o­ku­pa sa ma­hi­git 5,000 na­ka­ti­wang­wang na ba­hay sa Bu­lacan. Ang ka­ba­ta­an at es­tud­yan­te ay hu­mi­hi­ngi ng pag­ti­gil sa prog­ra­mang K-to-12 at la­ban sa pa­pa­ta­as na gas­tos sa edu­ka­syo­n.

Ang tu­luy-tu­loy na pag-a­ban­te ng pa­ki­ki­ba­ka ng ma­ma­ma­yang Pi­li­pi­no sa git­na ng lu­ma­la­lang kri­sis ay nag­si­sil­bing ma­ting­kad na kon­teksto ng usa­pang pang­ka­pa­ya­pa­ang GRP-NDFP. Tu­luy-tu­loy itong uma­ban­te mu­la nang ma­gsi­mu­lang mu­li noong Agos­to nang na­ka­ra­ang taon.

Sa pa­ki­ki­pag-u­sap sa GRP, tu­mi­tin­dig ang NDFP sa nga­lan ng De­mok­ra­ti­kong Gub­yer­nong Ba­yan upang ka­ta­wa­nin ang in­te­res ng ma­la­wak na ma­sa ng mga mang­ga­ga­wa at mag­sa­sa­ka, pe­ti­bur­ge­sya at pam­ban­sang bur­ge­sya. Ang GRP, sa ka­bi­lang pa­nig, ay ku­ma­ka­ta­wan sa in­te­res ng mga nag­ha­ha­ring uri ng ma­la­king bur­ge­sya kum­pa­dor at ma­la­la­king uring pa­ngi­no­ong may­lu­pa sa ka­bi­la ng hung­kag na pa­na­na­li­tang nag­li­ling­kod ito sa in­te­res ng ma­ma­ma­yan. Ba­tid din ni­to na wa­la itong ka­ka­ya­hang du­ru­gin ang ar­ma­dong re­bo­lu­syon ka­ya sa isang pa­ka­hu­lu­gan ay na­ka­pa­tas di­to.

Sa pag­pa­sok sa usa­pang pang­ka­pa­ya­pa­an, nag­ka­sun­do ang GRP at NDFP na tu­gu­nan ang ugat na da­hi­lan ng ar­ma­dong tung­ga­li­an upang ma­ka­mit ang ma­ka­ta­ru­ngan at ma­ta­ga­lang ka­pa­ya­pa­an. May ma­ka­say­sa­yang pag­ka­ka­ta­on nga­yon ang gub­yer­nong Du­ter­te at ang NDFP na mag­buo ng sus­tan­ti­bong mga pag­ka­kai­sa sa so­syo­-e­ko­no­mi­ko at pu­li­ti­kal at konsti­tu­syu­nal na mga re­por­ma. Ang GRP at NDFP ay nag­ka­sun­dong pa­bi­li­sin ang usa­pan. Hi­na­ha­ngad ng NDFP na ma­buo na ang mga ka­sun­du­ang ito nga­yong taon.

Sa una at ika­la­wang round ng usa­pan sa Oslo, nag­ka­sun­do ang mga Par­ti­do na pa­bi­li­sin ang usa­pang pang­ka­pa­ya­pa­an sa la­yu­ning ma­ga­mit ang mga ka­sun­du­an sa tat­long na­ti­ti­rang sus­tan­ti­bong ad­yen­da at isang ka­sun­du­ang pa­du­la­sin ito sa pa­ma­ma­gi­tan ng pag­la­la­bas ng mag­ka­tu­gong in­te­rim na ti­gil-pu­tu­kan.

Sa ikat­long round ng usa­pang pang­ka­pa­ya­pa­an na idi­na­os sa Ro­me, Italy noong ikat­long ling­go ng Ene­ro, na­ki­ta ang mar­ka­dong pag-usad sa ini­syal na ta­la­ka­yan upang ma­pag­kai­sa ang pi­nag­pa­li­tang mga bo­ra­dor sa CASER, ka­sa­bay ang pag­bu­buo ng bi­la­te­ral na mga tim pa­ra ri­to. Nag­kai­sa rin ang mga pa­nel na buuing mu­li ang lis­ta­han ng may ha­wak ng mga JASIG. Nag­pa­ha­yag na rin ang NDFP ng ka­han­da­ang ma­ki­pag­tu­lu­ngan sa re­hi­meng Du­ter­te sa pag­ta­ta­tag ng isang pe­de­ral na gub­yer­no, na may ma­li­naw na la­yu­ning itu­lak ang par­ti­ku­lar na mga re­por­mang konsti­tu­syu­nal na mag­ta­ta­gu­yod sa de­mok­ra­sya ng ma­ma­ma­yan.

Sa ka­bi­lang ban­da, na­bi­go ang re­hi­meng Du­ter­te na tu­pa­rin ang mga pa­nga­kong gi­na­wa ni­to sa maa­gang ba­ha­gi ng usa­pang pang­ka­pa­ya­pa­an, par­ti­ku­lar ang am­nes­ti­ya at pag­pa­pa­la­ya sa la­hat ng bi­lang­gong pu­li­ti­kal. Bi­nig­yan rin ni­ya ang AFP ng man­do na ita­la­ga sa una­han ang mga pwer­sa sa hu­mi­git-ku­mu­lang 500 bar­yo sa buong ka­pu­lu­an upang magsa­ga­wa ng say­war, pa­nik­tik, at pan­lu­pig la­ban sa ma­ma­ma­yan at ope­ra­syong kom­bat la­ban sa BHB.

Nag­sa­ga­wa ng mga ma­ni­ob­rang pang-i­was ang mga yu­nit ng BHB upang iwasan ang mga sa­gu­pa­an sa AFP. May ilang bu­wan na na­na­wa­gan ang Par­ti­do at BHB sa re­hi­meng Du­ter­te na iat­ras ang mga pwer­sa ni­to mu­la sa mga bar­yo, ngu­nit wa­lang nang­ya­ri.

Ang mga sa­lik na ito ang nag­tu­lak sa pa­mu­nu­an ng Par­ti­do at ku­mand ng BHB na ta­pu­sin ang sa­ri­ling dek­la­ra­syon ng ti­gil-pu­tu­kan noong Peb­re­ro 10. Tu­mu­gon ang re­hi­meng Du­ter­te sa pa­ma­ma­gi­tan ng pag­pu­tol ng sa­ri­li ni­tong dek­la­ra­syon ng ti­gil-pu­tu­kan, ng tuluyang pagta­tapos sa usa­pang pang­ka­pa­ya­pa­an at pag­dek­la­ra ng to­dong ge­ra la­ban sa re­bo­lu­syo­nar­yong pwer­sa.

Sa ha­rap ng ma­la­wa­kang pag­ba­ti­kos, na­pi­li­tan ang re­hi­meng Du­ter­te na buk­san ang im­por­mal na usa­pan sa NDFP at ma­ki­pag­ka­sun­do sa pag­pa­pa­tu­loy ng na­ka­tak­dang usa­pang pang­ka­pa­ya­pa­an at mu­ling pag­ti­ti­bay ng nau­nang mga pinag­kasunduan, ka­bi­lang na ang pag­bi­bi­gay ng kumpyan­sa sa mga kon­sul­tant at ne­go­sya­dor ng NDFP, isang pa­nga­kong pa­la­ya­in ang hu­mi­git-ku­mu­lang 24 bi­lang­gong pu­li­ti­kal, ka­bi­lang ang tat­long nau­na nang na­sen­ten­sya­han, at pa­la­wi­gin pa ang pyan­sa pa­ra sa mga na­pa­la­yang kon­sul­tant.

Alinsunod sa Joint Sta­te­ment ng Mar­so 11, nag­la­bas ng dek­la­ra­syon ang pamu­nu­an ng Par­ti­do at pam­ban­sang ku­mand ng BHB na iba­ba­lik ang isang in­te­rim na ti­gil-pu­tu­kan, na­hi­ka­yat ng mga pag­si­si­kap na lu­ta­sin sa pa­ma­ma­gi­tan ng usa­pan ang tampok na mga is­yu na nag­du­lot ng pag­ti­ti­gil ng nau­nang dek­la­ra­syon at ga­nap na mu­lat sa pa­nga­ngai­la­ngang ak­ti­bong ipag­tang­gol ng huk­bong ba­yan ang ma­ma­ma­yan.

Ha­bang han­dang harapin ang re­hi­meng Du­ter­te sa usa­pang pang­ka­pa­ya­pa­an at mag­buo ng mga ka­sun­du­an pa­ra mag­sil­bi sa ma­ma­ma­yang Pi­li­pi­no, batid na batid rin ng mga re­bo­lu­syo­nar­yong pwer­sa ang mga pa­nga­nib ng pa­si­pi­ka­syon la­lu­na bi­lang re­sul­ta ng isang ma­la­wig na ti­gil-pu­tu­kan na wa­lang sus­tan­ti­bong be­ne­pi­syo pa­ra sa ma­ma­ma­yang Pi­li­pi­no.

Ba­tid ang umii­ral na mga kontra­dik­syong nag­mu­mu­la sa isang mul­ti­po­lar na daig­dig at kaa­ga­pay na mga pag­ha­ha­ti sa loob ng nag­ha­ha­ring uri at nag­ha­ha­ring pang­ka­tin, han­da ang mga re­bo­lu­syo­nar­yong pwer­sa na ha­ya­an ang re­hi­meng Du­ter­te na bu­mu­kad­kad at ilad­lad ang sa­ri­li sa pa­ma­ma­gi­tan ng usa­pang pang­ka­pa­ya­pa­an kung ito ba’y tu­ta ng im­per­ya­li­mong US o hin­di.

Sa inspi­ra­syon ng Ika­la­wang Kong­re­so ng Par­ti­do, han­da ang la­hat ng re­bo­lu­syo­nar­yong pwer­sa na isu­long ang de­mok­ra­ti­kong re­bo­lu­syon ng ba­yan at dal­hin ang dig­mang ba­yan sa ba­go at mas ma­ta­as na an­tas. Ka­sa­bay ni­to, han­da rin si­la sa po­si­bi­li­dad na ang usapang pang­kapayapaan ay humantong sa sig­ni­pi­kan­teng prog­re­so sa pag­bu­buo ng mga ka­sun­du­an sa mga re­por­mang pan­li­pu­nan, pang-e­ko­nom­ya at pam­pu­li­ti­ka at pang­konsti­tu­syo­n at sa sa­lu­ngat na mga reak­syon ng im­per­ya­lis­mong US at ng lo­kal na mga reak­syu­nar­yo sa ga­yong mga re­por­ma.

Ga­yun­pa­man, ha­bang na­na­na­ti­li ang ka­sa­lu­ku­yang ka­la­ga­yan, da­pat mag­pur­si­gi ang Par­ti­do sa pang­ka­la­ha­tang lin­ya ng de­mok­ra­ti­kong re­bo­lu­syon ng ba­yan sa pa­ma­ma­gi­tan ng ma­ta­ga­lang dig­mang ba­yan sa pag­lu­lun­sad ng re­bo­lu­syo­nar­yong ar­ma­dong pa­ki­ki­ba­ka, pag­ta­ta­yo ng mga re­bo­lu­syo­nar­yong or­ga­ni­sa­syong ma­sa at mga or­ga­no ng ka­pang­ya­ri­hang pam­pu­li­ti­ka, pag­pa­pa­la­kas at pag­pa­pa­la­wak ng Par­ti­do at pa­mu­mu­no sa ma­ma­ma­yan sa pag­lun­sad ng mi­li­tan­teng mga pa­ki­ki­ba­kang ma­sa.

III. Ma­ta­tag na su­mu­su­long ang dig­mang ba­yan

Ang lumalalang mapang-api at ma­pag­sa­man­ta­lang ka­la­ga­yang pi­nag­du­ru­sa­han ng ma­ma­ma­yang Pi­li­pi­no ang nag­tu­tu­lak sa ka­ni­la na mag­lun­sad ng re­bo­lu­syo­nar­yong ar­ma­dong pa­ki­ki­ba­ka. Ti­nu­tu­pad ni­to ang pa­ngu­na­hing re­bo­lu­syo­nar­yong tung­ku­lin ng pag­ba­bag­sak sa ar­ma­dong reak­syu­nar­yong es­ta­do ng mga nag­ha­ha­ring uri at pag­ta­ta­tag ng de­mok­ra­ti­kong gub­yer­nong ba­yan sa ila­lim ng pa­mu­mu­nong pro­le­tar­yo.

Ma­ta­pos ang 48 taon ng pag­su­su­long ng ar­ma­dong re­bo­lu­syo­nar­yong pa­ki­ki­ba­ka sa pa­ma­ma­gi­tan ng ma­ta­ga­lang dig­mang ba­yan, nag­ta­mo ang Ba­gong Huk­bong Ba­yan ng ma­la­la­king ta­gum­pay at na­ka­pag-i­pon ng makabuluhang mga aral sa pag­su­su­long ng dig­mang ba­yan. Sa pa­mu­mu­no ng Par­ti­do, nag­ta­gum­pay ang BHB sa pag­su­su­long ng dig­mang ba­yan sa pa­ma­ma­gi­tan ng ma­sak­law at maig­ting na pa­ki­ki­dig­mang ge­ril­ya sa ba­ta­yan ng pa­pa­la­wak at pa­pa­la­lim na ba­seng ma­sa.

Nag­lu­lun­sad ng mga tak­ti­kal na open­si­ba ang BHB la­ban sa ma­hi­hi­nang ba­ha­gi ng kaa­way, ma­ta­li­nong ga­mit ang mga tak­ti­ka ng kon­sentra­syon at pag­ka­lat at pag­san­dig sa ma­sa. Nag­sa­sa­ga­wa ito ng mga ak­syong at­ri­ti­bo la­ban sa kaa­way upang mag­sil­bi sa pa­ngu­na­hing di­rek­syong isa­ga­wa ang mga ani­hi­la­ti­bong ak­syo­n, upang mag­sam­sam ng san­da­ta at pa­hi­na­in ang reak­syu­nar­yong ar­ma­dong pwer­sa.

Hu­ma­ha­law ang BHB ng la­kas mu­la sa ma­sak­law at ma­la­lim na su­por­ta ng ma­sang mag­sa­sa­ka at mi­nor­yang ma­ma­ma­yan sa pa­ma­ma­gi­tan ng pag­lu­lun­sad ng ma­la­wak na mga kam­pan­yang an­tip­yu­dal sa ba­lang­kas ng mi­ni­mum at mak­si­mum na prog­ra­ma sa re­por­ma sa lu­pa ng gub­yer­nong ba­yan at pag­ta­ta­gu­yod sa ka­ra­pa­tan sa pag­pa­pa­sya sa sa­ri­li at pag­ta­tang­gol ng lu­pa­ing ni­nu­no la­ban sa pan­da­ram­bong sa ka­bu­ha­yan at ka­pa­li­gi­ran. Nag­bi­gay-inspi­ra­syon din ito sa ma­la­wak na ma­sang mang­ga­ga­wa, mga es­tud­yan­te at in­te­lektwal, ma­ra­li­tang lunsod na ma­lap­ro­le­tar­ya­do, ka­ba­bai­han, pro­pe­syu­nal, mga taong sim­ba­han at iba pang de­mok­ra­ti­kong sek­tor na lu­ma­hok sa re­bo­lu­syo­nar­yong ga­wa­in at su­ma­nib sa ar­ma­dong pa­ki­ki­ba­ka.

Ang BHB ang pa­ngu­na­hing pwer­sa ng Par­ti­do sa re­bo­lu­syo­nar­yong ga­wa­ing ma­sa sa ma­sang mag­sa­sa­ka at mi­nor­yang ma­ma­ma­yan, sa pag­ta­ta­yo ng mga re­bo­lu­syo­nar­yong or­ga­ni­sa­syong ma­sa ng mga mag­sa­sa­ka, ka­ba­bai­han, ka­ba­ta­an, ba­ta, mga ak­ti­bis­tang pang­kul­tu­ra at mi­li­syang ba­yan at pag­ta­ta­tag ng or­ga­no ng ka­pang­ya­ri­hang pam­pu­li­ti­ka. Ha­bang nag­si­sil­bing pa­ngu­na­hing pwer­sang pan­dig­ma, nag­si­sil­bi rin itong pwer­sang pampro­duk­syon at pa­ra sa pang­kul­tu­rang re­bo­lu­syo­n.

Sa pag­lu­lun­sad ng dig­mang ba­yan, na­ka­tu­on ang Par­ti­do at BHB sa usa­pin ng pag­su­su­long mu­la isang yug­to pa­tu­ngo sa mas ma­ta­as na yu­gto ng estra­te­hi­kong de­pen­si­ba, at mu­la sa ka­sa­lu­ku­yang estra­te­hi­kong de­pen­si­ba tu­ngo sa su­su­nod na an­tas ng estra­te­hi­kong pag­ka­pa­tas.

Sa si­mu­la, ang Par­ti­do ay may ba­seng ma­sang 80,000 ma­ma­ma­yan at inor­ga­ni­sa ang BHB na may siyam na rip­leng aw­to­ma­ti­ko at 26 mas ma­hi­hi­nang ar­mas sa Central Luzon noong 1969 tu­ngong isang huk­bo na may mga iskwad at pla­tun na may hi­git sa 200 ma­la­la­kas na rip­le noong 1971.

Nang mag­dep­loy ang kaa­way ng 5,000 tro­pa at pu­lis sa ila­lim ng Task Force La­win, ang pa­mu­nu­an ng Par­ti­do ay lu­mi­pat sa Isa­be­la pa­ra ita­tag ang himpilan at sentro nito ng pag­sa­sa­nay ng mga kad­re at Pu­lang ku­man­der pa­ra sa pam­ban­sang dep­loy­ment. Pag­sa­pit ng 1972, ang mga pau­nang kad­re ng Par­ti­do at BHB ay ku­ma­lat na sa sam­pung re­hi­yon ng ban­sa, ka­bi­lang sa Ilocos-Cor­dil­le­ra, Sout­hern Luzon, Vi­sa­yas at Min­da­nao.

Lu­ma­ki ang BHB tu­ngong tat­long kum­pan­ya na may ma­la­la­kas na rip­le at di­na­dag­da­gan ng mga lo­kal na yu­nit ge­ril­ya. Ito ay ku­ma­lat sa ka­ra­mi­han ng pru­bin­sya ng Ca­ga­yan Val­ley. Ba­go ni­to, tu­mu­gon ang kaa­way ga­mit ang Task Force Sa­ra­nay. Su­ba­lit ang na­ging ka­hi­na­an ng pan­re­hi­yong pa­mu­nu­an ng Par­ti­do ay ang sob­rang pag­ta­ta­gal ng da­la­wang kum­pan­ya noong 1972-1976 sa ma­gu­bat na re­hi­yon ng Isa­be­la sa ka­bi­la ng pag­li­kas mu­la roon ng lo­kal na po­pu­la­syo­n.
Si­mu­la Batas Militar noong 1972 hang­gang ka­la­git­na­an ng de­ka­da 1980, lu­ma­wak ang BHB sa buong ban­sa, at nag­ta­yo ng mga la­ra­ngang ge­ril­ya sa iba’t ibang re­hi­yon. Naa­bot ang pam­ban­sang la­tag ng pa­ki­ki­dig­mang ge­ril­ya noong si­mu­la ng de­ka­da 1980. Ka­sa­bay ng su­mi­sid­hing kri­sis pang-e­ko­nom­ya at pam­pu­li­ti­ka ng dik­ta­du­rang US-Marcos, ang ma­sak­law na pa­ki­ki­dig­mang ge­ril­ya ay nag­bu­nga ng ma­bi­lis na pag­la­wak at pag­la­go ng BHB, ng mga la­ra­ngang ge­ril­ya at ng re­bo­lu­syo­nar­yong ar­ma­dong pa­ki­ki­ba­ka sa ka­buuan.

Noong maa­gang ba­ha­gi ng de­ka­da 1980, na­ga­wa ng pa­mu­nu­an ng Par­ti­do ang estra­te­hi­kong pag­ka­ka­ma­ling mag­tang­kang lu­mun­dag mu­la sa pang­git­nang yug­to ng estra­te­hi­kong de­pen­si­ba tu­ngo sa inii­lu­syong yug­to ng estra­te­hi­kong kontra-o­pen­si­ba kung saan inii­sip na ma­ta­ta­lon ang aban­teng yug­to ng estra­te­hi­kong de­pen­si­ba at estra­te­hi­kong pag­ka­pa­tas.

Pa­tu­loy na lu­ma­ki at umun­lad ang BHB, su­ba­lit na­hi­gop sa ade­lan­ta­dong re­gu­la­ri­sa­syon kung saan iti­na­yo ang mga pwer­sang ber­ti­kal na may lub­hang ma­li­it na pwer­sang pa­ha­lang. Tu­ngo sa ka­ta­pu­san ng de­ka­da 1980, du­ma­nas ito ng ma­la­la­king pag­ka­ta­lo da­hil sa sa­ri­ling pag­pa­pa­ki­tid da­hil sa pag­ka­lig­ta sa ga­wa­ing ma­sa at sa ba­seng ma­sa at pag­lu­lun­sad ng mga tak­ti­kal na open­si­ba la­ban sa ma­ti­ti­gas na tar­get, pag­ba­ba­se sa syu­dad ng ma­ta­as na ku­mand at iba pa. Iki­nom­bi­na ito sa ma­li at ar­ti­pi­syal na pag­ta­tang­ka sa mga in­su­rek­syon sa mga syu­dad at sentrong ba­yan sa pa­ma­ma­gi­tan ng pag­la­la­ro sa is­pon­tan­yong ka­ma­la­yan ng ma­sa at pag­pa­pa­kat ng mga ar­ma­dong yu­nit sa ka­lun­su­ran.

Ini­lun­sad ng Par­ti­do ang Ika­la­wang Da­ki­lang Ki­lu­sang Pag­wa­was­to noong 1992 upang isa­ga­wa ang kompre­hen­si­bong pag­wa­was­to at lu­ta­sin ang mga prob­le­mang ibi­nun­sod ng ade­lan­ta­dong re­gu­la­ri­sa­syon at in­su­rek­syu­nis­mong lun­sod. Mu­ling pi­nag­ti­bay ng Par­ti­do ang mga ba­ta­yang prin­sip­yo tu­lad ng pag­su­su­long ng ma­ta­ga­lang dig­mang ba­yan at pa­ki­ki­dig­mang ge­ril­ya. Mu­ling ipi­na­kat ng BHB ang mga pwer­sa ni­to pa­ra abu­tin ang mga nai­wan na lugar sa ga­wa­ing ma­sa, mu­ling ita­yo ang mga or­ga­ni­sa­syong ma­sa, mag­pa­la­wak sa ba­gong mga te­ri­tor­yong ge­ril­ya, mag­lun­sad ng re­bo­lu­syong ag­rar­yo at buuin ang Par­ti­do at mga lo­kal na or­ga­no ng ka­pang­ya­ri­hang pam­pu­li­ti­ka.

Sa tang­kang abu­tin ang ma­la­wak na er­ya, may pag­ki­ling ang BHB sa sob­rang pag­ka­ba­tak sa pag­de­dep­loy ni­to ng mas ma­li­li­it na iskwad ng mga Pu­lang man­di­rig­ma. Da­hil di­to’y na­ging bul­ne­rab­le ang mga yu­nit ng BHB sa mga ata­ke ng kaa­way at nag­bun­sod ng pag­ka­pa­si­bo at kon­ser­ba­tis­mo.

Sa ika-11 Ple­num ng Ko­mi­te Sentral noong 2002, na­na­wa­gan ang Par­ti­do sa BHB na pa­ngi­ba­ba­wan ang prob­le­ma ng kon­ser­ba­tis­mo. Ina­ta­san ni­to ang BHB na mag­ta­yo ng mga pla­tun bi­lang sa­li­gang por­ma­syon upang ita­as ang ka­pa­si­dad ni­tong ha­ra­pin ang kaa­way at mag­lun­sad ng mga tak­ti­kal na open­si­ba; at mag­ta­yo ng mga sentro de gra­bi­dad sa la­ra­ngan, pru­bin­sya at re­hi­yon na bu­buuin ng 20-30% ng ka­buuang pwer­sang ge­ril­ya.

Ni­la­yon ng ika-11 Ple­num ang ita­yo sa la­hat ng re­hi­yon ang ma­ka­bu­lu­hang bi­lang ng mga la­ra­ngang la­king-kum­pan­ya kaa­lin­sa­bay ng mas ma­ra­ming mga la­ra­ngang may la­kas na pi­na­li­it na kum­pan­ya na ka­yang ma­bi­lis na umun­lad tu­ngong la­king-kum­pan­ya.

Ti­nar­get ng ika-11 Ple­num na maa­bot ang mga tar­get na ito sa ka­tam­ta­mang haba ng panahon. Na­na­wa­gan itong isa­ga­wa ang ma­sak­law at maig­ting na pa­ki­ki­dig­mang ge­ril­ya, pag­ta­ta­yo ng mag­ka­ka­nug­nog na la­king-kum­pan­yang la­ra­ngang ge­ril­ya at pag­ta­ta­yo ng mga an­tas ng ku­mand sa la­ra­ngan, pru­bin­sya at re­hi­yon ha­bang nag­si­sil­bing Ko­mi­syong Mi­li­tar ang sentral na pa­mu­nu­an ng Par­ti­do. Ni­la­yon ni­tong ma­ta­mo ang pam­ban­sang pag­la­go ng BHB at pag­su­long ng dig­mang ba­yan.

Nag­re­histro ng pag­la­go ang BHB noong 2002 hang­gang 2006 at na­lag­pa­san ang is­to­ri­kong naa­bot noong 1987. Ga­yun­man, may iba’t ibang an­tas ng pag­tu­pad sa mga re­so­lu­syon ng ika-11 Ple­num, ka­bi­lang yaong pa­tung­kol sa istruk­tu­ra ng pwer­sa ng BHB. Ang da­mi ng mga tak­ti­kal na open­si­ba ay di ka­tug­ma sa pag­la­go. May sob­rang dis­per­sal at ma­ka-i­sang pa­nig na diin sa ga­wa­ing ma­sa. Na­ka­pag­lun­sad ng pam­ban­sang kam­pan­ya ng mga tak­ti­kal na open­si­ba noong 2005 at 2006 su­ba­lit iba’t iba ang re­sul­ta ni­to sa iba’t ibang re­hi­yon.

Ang pag­la­go at pag­la­kas ng BHB ay un­ti-un­ting inuk-ok ng mga prob­le­ma sa pag­ta­ta­yo ng mga pla­tun, la­ra­ngan, pa­mu­nu­an ng Par­ti­do sa iba’t ibang an­tas, sob­rang pag­dis­pers, si­bil­ya­ni­sa­syon at kon­ser­ba­tis­mong mi­li­tar. Ang mga yu­nit ng BHB ay na­hu­log sa mi­li­sya­-is­mo at tak­ti­kang re­bel­deng la­ga­lag (mga ar­ma­dong pang­kat pampro­pa­gan­da at mga iskwad na pan­la­ban sa mga lo­kal na ti­ra­no at ma­sa­sa­mang ele­men­to) at iba’t ibang an­tas ng si­bil­ya­ni­sa­syo­n. Da­hil di­to, may un­ti-un­ting pag­hi­na noong 2006-2009. Pi­na­la­la pa ito ng la­king-di­bi­syong mga kam­pan­ya ng kaa­way sa buong ban­sa (Oplan Ban­tay La­ya I at II), na nag­­di­in sa pailan-ilang re­hi­yon sa iba’t ibang pa­na­hon.

Nag­re­histro ng pang­ka­la­ha­tang ma­ba­gal at dis­ba­lan­sya­dong pag­la­ki ang BHB si­mu­la 2009. Sa isang pa­nig, na­na­na­ti­li ang prob­le­ma ng sob­rang dis­per­sal at kon­ser­ba­tis­mong mi­li­tar, na san­hi ng pa­gi­ging pa­si­bo at ka­wa­lang ini­sya­ti­ba ng BHB. Sa ka­bi­lang pa­nig, na­ga­wa ng mga pa­mu­nu­an ng BHB at Par­ti­do sa ibang re­hi­yon na ha­wa­kan ang ini­sya­ti­ba, pa­mu­nu­an ang mga kam­pan­yang mi­li­tar sa an­tas ng re­hi­yon at sub­re­hi­yon at lu­bos na ga­mi­tin ang ki­non­sentrang la­kas at la­tag ng mga pla­tun at kum­pan­ya ng BHB pa­ra mag­lun­sad ng ma­la­wak at maig­ting na pa­ki­ki­dig­mang ge­ril­ya, na pum­wer­sa sa kaa­way na mag­ba­tak ng pwer­sa at nag­ka­it di­to ng ii­sang tar­get. Na­hi­gi­tan ng pag­la­go ng BHB sa mga re­hi­yong ito ang pag­ka­ti­gil o un­ti-un­ting pag­hi­na ng BHB sa ibang re­hi­yon.

Sa ilang re­hi­yon sa Min­da­nao, na­ga­wang mag-i­ni­sya­ti­ba ng BHB sa ba­ta­yan ng ta­gum­pay sa pag­bu­buo ng mga pla­tun, pagpapatuloy ng mga pwer­sang ber­ti­kal (kum­pan­ya at ma­li­li­it na kum­pan­ya) at pag­ta­ta­yo ng mga sub­re­hi­yong may mag­ka­ka­rug­tong na la­ra­ngang ge­ril­ya. Sa ka­bi­la ng pag­dep­loy ng ma­la­king tro­pa ng AFP la­ban sa BHB, na­bi­go itong sug­pu­in ang pag­la­go ng BHB sa mga re­hi­yon ng Eas­tern Min­da­nao.

Noong ka­la­git­na­an ng 2016, ti­na­ya ng Ka­wa­ni­hang Pam­pu­li­ti­ka (Po­lit­bu­ro) ng Ko­mi­te Sentral ang sit­wa­syon at ti­nu­koy ang pa­nga­ngai­la­ngang pa­ngi­ba­ba­wan ang prob­le­ma ng kon­ser­ba­tis­mong mi­li­tar. Ga­mit ang mga aral mu­la sa po­si­ti­bong ka­ra­na­san sa pag­su­su­long ng re­bo­lu­syo­nar­yong ar­ma­dong pa­ki­ki­ba­ka sa ilang re­hi­yon sa nag­da­ang mga taon, bi­nuo ng Po­lit­bu­ro ang mga re­so­lu­syon pa­ra pandayin at paunlarin ang ka­ka­ya­han ng BHB pa­ra mas ak­ti­bong mag­lun­sad ng mga tak­ti­kal na open­si­ba sa pam­ban­sang sak­law at isa­ga­wa ang mga kam­pan­yang mi­li­tar pa­ra kontra­hin at bi­gu­in ang mga pla­no ng kaa­way.

Pi­nag­ti­bay ng Politbu­ro na da­pat ku­nin ng BHB ang buong ini­sya­ti­ba sa pag­lu­lun­sad ng dig­mang ba­yan sa an­tas pam­ban­sa at panre­hi­yon, ma­pa­nga­has na pa­la­ki­hin ang bi­lang ng mga Pu­lang man­di­rig­ma, pag­dug­tong-dug­tu­ngin ang mga la­ra­ngang ge­ril­ya, iba­yong pa­ra­mi­hin ang bi­lang ng mga la­ra­ngang ge­ril­ya, mag­lun­sad ng mas ma­da­las na tak­ti­kal na open­si­ba, ilun­sad ang re­bo­lu­syong ag­rar­yo at pa­ki­lu­sin ang ma­sang mag­sa­sa­ka sa pa­pa­la­pad na lu­gar at pa­la­wa­kin at kon­so­li­da­hin ang ba­seng ma­sa sa pa­ma­ma­gi­tan ng pag­ta­ta­tag ng mga or­ga­no ng ka­pang­ya­ri­hang pam­pu­li­ti­ka mu­la sa an­tas mu­ni­si­pa­li­dad pa­ta­as.

Sa pa­na­hon ding ito, na­ki­pag­kai­sa ang pa­mu­nu­an ng Par­ti­do at NDFP na sa­bay na ma­ki­pag-ti­gil-pu­tu­kan sa re­hi­meng Du­ter­te, ba­tid na ang umu­us­bong na kontra­dik­syon mu­la sa pan­da­ig­di­gang ka­pi­ta­lis­tang kri­sis at lo­kal na nag­ha­ha­ring sis­te­ma ay may po­ten­syal na lu­mik­ha ng kun­di­syon pa­ra sa po­sib­leng al­yan­sa. Sa ha­los anim na bu­wan, mu­la Agos­to 28, 2016 hang­gang Peb­re­ro 10, 2017, ina­ta­san ng Par­ti­do ang BHB na iti­gil at pigilan ang pag­lu­lun­sad ng open­si­bang kam­pan­ya at ope­ra­syon la­ban sa uni­por­ma­dong ar­ma­dong tau­han ng AFP at PNP, bi­lang pag­ta­li­ma sa ka­sun­du­an ng NDFP at GRP sa una sa ser­ye ng mga usa­pang pang­ka­pa­ya­pa­an.

Ka­sa­bay ni­to, mu­lat na mu­lat ang Par­ti­do na ang ti­gil-pu­tu­kan sa ma­ha­ba-ha­bang pa­na­hon na wa­lang ma­ka­bu­lu­hang pa­ki­na­bang sa ba­yan at sa ka­ni­lang re­bo­lu­syo­nar­yong la­yu­nin ay pwe­deng ma­ging dis­ben­ta­he sa BHB, la­lu­na sa pa­na­hong si­ni­si­kap ni­tong ku­nin ang buong ini­sya­ti­ba sa pag­lu­lun­sad ng pa­ki­ki­dig­mang ge­ril­ya at pi­na­ngi­ngi­ba­ba­wan ang epek­to ng kon­ser­ba­tis­mo.
Sa la­yong pa­na­ti­li­hin ang ti­gil-pu­tu­kan, isi­na­ga­wa ng BHB ang mga ma­ni­ob­rang pag-i­was sa mga ar­ma­dong sa­gu­pa­an sa AFP na nag­dep­loy ng mga ar­ma­dong yu­nit pa­ra isa­ga­wa ang pa­ni­nik­tik, say­war, ar­ma­dong pa­nu­nu­pil at in­ti­mi­da­syon upang wa­sa­kin ang mga or­ga­ni­sa­syong ma­sa, at pa­ra mag­lun­sad ng mga ope­ra­syong stri­ke la­ban sa BHB.

Ma­ta­pos ang mga mun­ti­kan at aktwal na sa­gu­pa­an, la­lu­na noong Ene­ro, nag­pa­sya ang Par­ti­do at BHB na ta­pu­sin ang uni­la­te­ral na dek­la­ra­syong ti­gil-pu­tu­kan noong Peb­re­ro 10. Tu­mu­gon sa ka­ra­ni­wang ka­ra-ka­ra­kang pa­ra­an ang re­hi­meng Du­ter­te, idi­nek­la­ra ang pag­ta­ta­pos ng buong ne­go­sa­syong pang­ka­pa­ya­pa­an sa NDFP at ipi­nag-u­tos ang mu­ling pag-a­res­to ng mga kon­sul­tant ng NDFP. Nag­dek­la­ra ng “all-out war” ang AFP, na nag­bun­sod ng mga pro­tes­ta at ma­la­wa­kang pa­na­wa­gan sa re­hi­meng Du­ter­te na ipag­pa­tu­loy ang usa­pang pang­ka­pa­ya­pa­an sa NDFP.

Ang ka­sun­du­ang iba­lik ang ka­ni-kan­yang ti­gil-pu­tu­kan ba­go ang April 2-6 na ikaa­pat sa ser­ye ng mga usa­pang pang­ka­pa­ya­pan ay lu­bos na su­su­por­ta­han ng BHB. Ka­sa­bay ito, da­pat ma­na­ti­li itong mu­lat sa pa­nga­ngai­la­ngang mag-i­ni­s­ya­ti­ba sa pag­ta­tang­gol ng ba­yan la­ban sa say­war, pa­ni­nik­tik, ar­ma­dong pa­nu­nu­pil at ope­ra­syong kom­bat na isa­sa­ga­wa ng mga ar­ma­dong yu­nit ng AFP sa mga bar­yo.

Da­pat lu­bos na pang­ha­wa­kan ng BHB at mga re­bo­lu­syo­nar­yong pwer­sa ang ini­sya­ti­bang pam­pu­li­ti­ka sa pa­na­hon ng ti­gil-pu­tu­kan upang ma­bi­lis na or­ga­ni­sa­hin ang ma­sang mag­sa­sa­ka sa ba­go at da­ting mga lu­gar, ilun­sad ang mga pa­ki­ki­ba­kang an­tip­yu­dal at re­bo­lu­syong ag­rar­yo, ha­bang nag­pa­pa­la­kas sa pa­ma­ma­gi­tan ng mga pag­sa­sa­nay, ma­la­wa­kang pag­re­rek­rut, ma­ging ga­wa­ing pang­kul­tu­ra at edu­ka­syon sa ka­ni­lang ha­nay.

Ha­bang ni­la­la­yon ng Par­ti­do na pa­la­pa­rin at pa­la­ka­sin ang BHB, ang mga la­ra­ngang ge­ril­ya at ar­ma­dong pa­ki­ki­ba­ka sa kompre­hen­si­bo at la­ha­tang-pa­nig na pa­ra­an, bu­kas ito sa po­si­bi­li­dad na ang ne­go­sa­syong pang­ka­pa­ya­pa­an ay ha­han­tong sa mga sus­tan­ti­bong ka­sun­du­an at pag­bu­buo ng al­yan­sa ng la­hat ng po­si­ti­bong pwer­sa la­ban sa im­per­ya­lis­mong US at la­ban sa mga tu­ta ni­to. Ka­sa­bay ni­to, han­da rin ito na mang­ya­ri ang ka­ba­lig­ta­ran.

IV. Mga tung­ku­lin sa pag­pa­pa­la­kas ng BHB at pag­su­su­long ng dig­mang ba­yan

ANG KASALUKUYANG KALAGAYAN ng BHB ay iniu­lat at ti­na­sa ng Unang Ple­num ng Ko­mi­te Sentral ng Ika­la­wang Kong­re­so. Bi­nig­yang-pan­sin ng KS ang ma­ka­bu­lu­hang pag­la­ki sa bi­lang ng mga Pu­lang man­di­rig­ma mu­la ka­la­git­na­an ng 2016 sa ga­bay at inspi­ra­syon ng mga re­so­lu­syon ng Po­lit­bu­ro.

Mu­la noo’y isi­na­ga­wa ng BHB ang ki­na­kai­la­ngang reor­ga­ni­sa­syon at pag­sa­sa­nay ng mga upi­syal at man­di­rig­ma. Nag­bu­kas ito ng mga ba­gong la­ra­ngang ge­ril­ya at nag­buo ng ba­gong mga pla­tun at kum­pan­ya. Pi­na­la­kas ni­to ang iba’t ibang an­tas ng ku­mand.

Ang Unang Ple­num ng Ko­mi­te Sentral ay nag­ta­tag ng Ko­mi­syong Mi­li­tar ni­to at bi­nuo at pi­nu­long ang Pam­ban­sang Ku­mand sa Ope­ra­syon (NOC o Na­tio­nal Ope­ra­ti­ons Com­mand) ng BHB. Ang NOC ang mag­si­sil­bing pam­ban­sang sentro de gra­bi­dad ng BHB at mag­di­di­ri­he ng dig­mang ba­yan sa pag­lu­lun­sad at pag­su­su­long ng dig­mang ba­yan sa buong ban­sa.

Ini­la­tag ng Unang Ple­num ang mga tung­ku­lin pa­ra pa­bi­li­sin ang pag­tu­pad ng mga tung­ku­lin pa­ra sa pag­su­long mu­la sa pang­git­nang yug­to tu­ngong aban­teng yug­to ng estra­te­hi­kong de­pen­si­ba upang lu­ma­pit pa sa bu­ngad ng estra­te­hi­kong pag­ka­pa­tas.

Inaa­ta­san ng Ko­mi­te Sentral ang BHB na tu­pa­rin ang su­mu­su­nod na mga tung­ku­lin:

1. Ilun­sad ang ma­la­wak at maig­ting na pa­ki­ki­dig­mang ge­ril­ya sa ba­ta­yan ng pa­pa­la­wak at pa­pa­la­lim na ba­seng ma­sa pa­tu­ngo sa pag­pa­pa­un­lad ng to­do-lar­gang pa­ki­ki­dig­mang ge­ril­ya. Ita­as ang ka­pa­si­dad at istruk­tu­ra ng huk­bong ba­yan pa­ra ilun­sad ang sinkro­ni­sa­do at koor­di­na­dong mga kam­pan­ya at ope­ra­syong mi­li­tar sa an­tas sub­re­hi­yon, pan­re­hi­yon at pam­ban­sa.

Ti­ya­kin ang pag­ta­ta­yo ng mga pwer­sang ber­ti­kal sa an­tas ng re­hi­yon at sub­re­hi­yon upang mag­sil­bing mga sentro de gra­bi­dad ng mga la­ra­ngang ge­ril­ya sa ga­wa­ing mi­li­tar at pa­ra sa pag­lu­lun­sad ng re­bo­lu­syong ag­rar­yo at ga­wa­ing pam­pu­li­ti­ka. Da­pat may mi­ni­mum na la­kas-kum­pan­ya ang mga ku­mand sa la­ra­ngan na may pla­tun bi­lang sentro de gra­bi­dad. Ang mga lo­kal na pla­tung ge­ril­ya na nag­si­sil­bing him­pi­lan ng mga ko­mi­teng sek­syon ng Par­ti­do na su­ma­sak­law sa mu­ni­si­pa­li­dad o ku­lum­pon ng mga bar­yo ay da­pat ma­bi­li­sang ita­yo.

Ita­yo ang mga ku­mand sa ope­ra­syon ng BHB mu­la sa pam­ban­sa hang­gang sa an­tas re­hi­yon, sub­re­hi­yon (pru­bin­sya) at la­ra­ngan. Ku­nin ang ini­sya­ti­ba at pa­na-pa­na­hong ilun­sad ang mga kam­pan­yang mi­li­tar sa an­tas sub­re­hi­yon, re­hi­yon at pam­ban­sa.

2. Pa­bi­li­sin ang rek­rut­ment ng mga ar­ma­dong pwer­sa sa la­hat ng re­hi­yon sa buong ban­sa. Ma­ra­mi­hang mag­re­kut mu­la sa mga es­tud­yan­te at uring mang­ga­ga­wa upang ma­ging mga kad­re at upi­syal sa pu­li­ti­ka ng BHB. Ipa­tu­pad ang tat­long an­tas ng kur­song mi­li­tar upang ita­as ang an­tas ng pag­sa­sa­nay ng mga Pu­lang ku­man­der at man­di­rig­ma. Da­pat lu­ta­sin agad ng mga pan­re­hi­yong ku­mand sa ope­ra­syon (ROC) ang mga prob­le­ma sa pag­re­rek­rut at pag­pa­pa­la­kas ng BHB.

Ita­as ang bi­lang ng mga rip­le ng BHB sa pa­ma­ma­gi­tan ng pag­pa­pa­un­lad ng mga tak­ti­ka sa pa­ki­ki­dig­ma pa­ra sa pag­sam­sam ng ar­mas mu­la sa nag-oo­pe­ra­syong tro­pa ng kaa­way, ma­ging sa mga ar­mo­ri ng mga yu­nit ng Army, mga pa­ra­mi­li­tar, pri­ba­dong huk­bo, mga pwer­sang pan­se­gu­ri­dad at iba pa.

3. Lu­ta­sin ang ma­la­king dis­ba­lan­se ng pag­la­go at pag­la­kas ng pwer­sa ng BHB sa pa­ma­ma­gi­tan ng pag­lu­lun­sad ng kam­pan­yang pag­wa­was­to sa mga pag­ka­ka­ma­li upang itu­lak ang dra­ma­ti­kong pag­la­ki ng la­kas ng BHB sa Luzon at Vi­sa­yas.

Ang mga re­hi­yong re­la­ti­bong may mas ma­ra­mi at mas ma­ka­ra­na­san at ma­ta­gum­pay na kad­re at ku­man­der at mas ma­ra­ming san­da­ta ay maaa­ring mag­sa­nay sa mas ma­hi­hi­nang re­hi­yon o ma­ging han­da na per­ma­nen­teng idep­loy doon o pan­sa­man­ta­lang tour of duty na isang taon.

La­ba­nan ang kon­ser­ba­tis­mong mi­li­tar, mi­li­sya­-is­mo at si­bil­ya­ni­sa­syon sa huk­bong ba­yan. Da­pat mag­pa­tu­loy ang pag­la­ki at pag­la­kas ng BHB sa Min­da­nao. Paun­la­rin ang estra­te­hi­ko at tak­ti­kal na pa­mu­mu­nong mi­li­tar la­lu­na sa pam­ban­sa at pan­re­hi­yong an­tas, na ma­hig­pit na gi­na­ga­ba­yan ng prin­sip­yo ng sentra­li­sa­dong estra­te­hi­kong ku­mand at de­sentra­li­sa­dong ope­ra­syo­n.

4. Ilang ulit na pa­la­ki­hin ang bi­lang ng mga yu­nit ng mi­li­syang ba­yan sa la­hat ng bar­yo na may mga sa­ngay ng Par­ti­do, at ita­yo ang mga lo­kal na yu­nit ge­ril­ya sa an­tas mu­ni­si­pa­li­dad o sek­syon kung saan may mga ko­mi­teng sek­syon ng Par­ti­do. Ilun­sad sa ka­ni­lang ha­nay ang ma­sin­sing pag­sa­sa­nay pam­pu­li­ti­ka at pang­mi­li­tar at pa­ka­wa­lan ang ka­ni­lang re­bo­lu­syo­nar­yong ener­hi­ya at sig­la upang mag­lun­sad ng dig­mang ba­yan sa lo­kal na an­tas at mag­lun­sad ng mga tak­ti­kal na open­si­ba la­ban sa pwer­sa ng kaa­way.

5. Ikon­so­li­da ang la­hat ng la­ra­ngang ge­ril­ya at mag­ta­yo ng mga ba­go. Paun­la­rin ang mga teat­ro ng pa­ki­ki­dig­mang ge­ril­ya sa pa­ma­ma­gi­tan ng pag­pa­pa­ta­as ng ka­pa­si­dad ng mga la­ra­ngang ge­ril­ya ng BHB sa pag­ko­or­di­na at pag­ga­mit ng pag-uug­na­yan ng mga pwer­sa ni­to.

Paun­la­rin ang mga sub­re­hi­yong may mas ma­la­wak na dug­tu­ngan ng 3-5 mga la­ra­ngan o dug­tu­ngan ng mga sub­re­hi­yon. Da­pat pan­sa­man­ta­la o pantran­si­syon la­mang ang pag­ka­ka­ro­on ng mga na­hi­hi­wa­lay na la­ra­ngan na wa­lang ka­rug­tong o na­la­la­yo sa ibang la­ra­ngan.

Ita­as ang an­tas ng mga re­bo­lu­syo­nar­yong or­ga­ni­sa­syong ma­sa at mga or­ga­no ng ka­pang­ya­ri­hang pam­pu­li­ti­ka sa an­tas in­ter-bar­yo, mu­ni­si­pa­li­dad, distri­to at pru­bin­sya upang isa­ka­tu­pa­ran ang mga ga­wa­in ng de­mok­ra­ti­kong gub­yer­nong ba­yan at mag­pa­ki­los pa­ra sa dig­ma­an.

6. Mas ma­sin­sin at mas ma­la­wa­kang ipa­tu­pad ang re­bo­lu­syo­nar­yong prog­ra­ma sa re­por­ma sa lu­pa. Isa­ka­tu­pa­ran ang mga kam­pan­yang an­tip­yu­dal sa in­ter-bar­yo o mas ma­sak­law na an­tas. Isa­ka­tu­pa­ran ang kum­pis­ka­syon sa lu­pang ina­gaw ng mga nag­ha­ha­ring uring pa­ngi­no­ong may­lu­pa, mga kumpra­dor at ka­ni­lang da­yu­hang amo at ipa­tu­pad ang lib­reng pa­ma­ma­ha­gi ng lu­pa sa ma­sang mag­sa­sa­ka kung saan ito maaa­ring ga­win at ipag­tang­gol.

Paun­la­rin ang mga pa­ra­an at tek­ni­ka sa pro­duk­syon upang ita­as ang pro­duk­syong ag­ri­kul­tu­ral at paun­la­rin ang ma­pag­ku­ku­nan ng ma­ka­bu­lu­hang ki­ta. Su­por­ta­han ang mga prog­ra­mang nag­si­sil­bi sa pan­li­pu­nang pa­nga­ngai­la­ngan ng mga komunidad na mag­sa­sa­ka at pam­ban­sang mi­nor­yang tu­lad ng mga paa­ra­lang ele­men­tar­ya at hayskul, mga kli­ni­kang ba­yan, pag­ku­ku­nan ng inu­ming tu­big, kur­yen­te, pa­ba­hay at iba pa.

7. Tu­lu­ngang ita­yo ang Par­ti­do sa ideo­lo­hi­ya, pu­li­ti­ka at or­ga­ni­sa­syo­n, sa loob ng huk­bong ba­yan at sa ha­nay ng ma­sa. Isa­ga­wa ang ma­sin­sing edu­ka­syong pam­pu­li­ti­ka sa ha­nay ng mga Pu­lang ku­man­der at man­di­rig­ma upang ita­as ang ka­ni­lang re­bo­lu­syo­nar­yong ka­mu­la­tan, pa­ta­ta­gin ang ka­ni­lang ka­pa­sya­hang lu­ma­ban at pa­la­ka­sin ang ka­ni­lang ab­so­lu­tong pa­ni­nin­di­gang mag­sil­bi sa ba­yan at ka­ni­lang re­bo­lu­syo­nar­yong la­yu­nin.

8. Mag­pun­ya­gi sa pag­pa­pa­tu­pad ng mga pa­ta­ka­ran ng de­mok­ra­ti­kong gub­yer­nong ba­yan pa­ra lan­sa­gin ang mga sin­di­ka­tong kri­mi­nal, la­lu­na ang mga drug trafficker at gru­po sa pa­ngi­ngid­nap, pri­ba­dong huk­bo ng mga war­lord at lo­kal na ti­ra­no at ma­pa­nu­pil na mga pwer­sang pan­se­gu­ri­dad ng mga kum­pan­ya sa pag­mi­mi­na at plan­ta­syo­n. Ipa­tu­pad ang mga pa­ta­ka­ran sa pa­nga­nga­la­ga ng ka­pa­li­gi­ran, ka­bi­lang yaong su­ma­sa­kop sa ope­ra­syon ng mga ne­go­syo at empre­sa pa­ra ti­ya­kin ang ka­pa­ka­nan ng ba­yan.

9. Bi­gu­in ang Oplan Ka­pa­ya­pa­an at ang kam­pan­yang pa­si­pi­ka­syon at pag­pa­pa­su­ren­der ng re­hi­meng Du­ter­te. Akti­bong la­ba­nan ang kam­pan­ya ng kaa­way ng ar­ma­dong pa­nu­nu­pil. Pa­ru­sa­han ang mga pa­sis­ta at kri­mi­nal sa li­kod ng mga ekstra­hu­di­syal na pa­ma­mas­lang, ili­gal na pag-a­res­to at pag­ku­ku­long, pag­hu­hu­log ng bom­ba, pa­nga­ngan­yon, pwersahang pagpapabakwit o ham­let­ting, oku­pa­syon ng mga eskwe­la­han, ba­ra­ngay hall, day ca­re at iba pang istruk­tu­rang si­bil­yan.

10. Su­por­ta­han ang ne­go­sa­syong pang­ka­pay­pa­ang GRP-NDFP. Pa­ki­lu­sin ang ba­yan pa­ra itu­lak ang pi­na­bi­lis na usa­pang pang­ka­pa­ya­pa­an at pa­ra sa pag­pir­ma sa CASER at CAPCR sa ka­sa­lu­ku­yang taon. La­ba­nan ang lin­ya ng pag­ta­ta­pos ng ar­ma­dong tung­ga­li­an sa pa­ma­ma­gi­tan ng ma­ta­ga­lang ti­gil-pu­tu­kan at pag­pa­pa­su­ren­der sa mga re­bo­lu­syo­nar­yong pwer­sa na wa­lang ka­sund­u­an sa ki­na­kai­la­ngang sus­tan­ti­bong re­por­mang so­syo­-e­ko­no­mi­ko at pu­li­ti­kal.

Ha­bang may ti­gil-pu­tu­kang uni­la­te­ral o bi­la­te­ral, da­pat ipag­pa­tu­loy ng BHB ang mga tung­ku­lin ni­tong iti­nak­da ng de­mok­ra­ti­kong gub­yer­nong ba­yan pa­ra ipag­tang­gol ang ka­pa­ya­pa­an at pa­nga­la­ga­an ang ba­yan. Da­pat mi­li­tan­teng ipa­tu­pad ni­to ang ak­ti­bong de­pen­sa la­ban sa mga yu­nit ng reak­syu­nar­yong ar­ma­dong pwer­sa na nag­sa­sa­ga­wa ng mga ope­ra­syong pang­kom­bat la­ban sa BHB at ar­ma­dong pag­su­pil sa ba­yan.

Pag­han­da­an ang po­si­bi­li­dad na hu­man­tong ang ne­go­sa­syong pang­ka­pa­ya­pa­an ng GRP-NDF sa mga ka­sun­du­an sa sus­tan­ti­bong pan­li­pu­nan, pang-e­ko­nom­ya at pam­pu­li­ti­kang re­por­ma at po­si­bi­li­dad ng al­yan­sa o ang ka­ba­lig­ta­ran ni­to. Mag­han­dang mag­sil­bing ta­ga­pa­tu­pad ng re­por­ma sa lu­pa at iba pang prog­ra­ma. Anu­pa­man ang ka­la­ba­san, hin­di kai­lan­man da­pat mag­lu­wag ang ka­pit ng mga Pu­lang man­di­rig­ma ng BHB sa ka­ni­lang mga san­da­ta.

[Ang Bayan is the official newspaper of the Communist Party of the Philippines. Ang Bayan is published in Pilipino, Bisaya, Hiligaynon, Waray and English. Download Ang Bayan from the Philippine Revolution Web Central at www.philippinerevolution.info. Ang Bayan is published fortnightly by the Central Committee of the Communist Party of the Philippines.]

https://www.philippinerevolution.info/ang_bayan/20170330-ipagxadbunxadyi-ang-ikaxadlaxadwang-kongxadrexadso-ng-parxadtixaddo-isuxadlong-ang-digxadmang-baxadyan-sa-mas-maxadtaxadas-na-anxadtas/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.