Tuesday, March 28, 2017

CPP/NPA-CV: Hakbang Pamamarusa sa 2 kompanya ng Konstruksyon Iginawad ng NPA

New People's Army propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines Website (Mar 27): Hakbang Pamamarusa sa 2 kompanya ng Konstruksyon Iginawad ng NPA

Victor Servidores, Spokesperson
NPA-Cagayan Valley (Region II) (Fortunato Camus Command)

27 March 2017
Press Release

Magkasunod na iginawad ng 2 Yunit Kumand ng New People’s Army ang hakbang pamamarusa sa dalawang kompanya sa Konstruksyon nitong nagdaang magkasunod na araw.

Marso 26, 2017. Ikawalo ng gabi ng sinunog ng isang yunit ng New People’s Army ng Henry Abraham Command(HAC) ang 2 Backhoe, 1 Elf at 1 Pison na pag-aari ng Pulsar Construction Company.

Ika-10 ng umaga ng Marso 25, 2017 – pinaabo ng isa pang yunit ng NPA ng Venerando Villacillo Command(VVC) ang 1 backhoe ng Brostan Construction and Development Corporation sa Maddela, Quirino.

Ang dalawang kompanya ay hindi sumunod sa batas ng Demokratikong Gubyernong Bayan (DGB). Ang sinumang lumalabag sa batas ng DGB ay may pananagutan at may katapat na kaukulang hakbang pamamarusa. Na siyang iginawad ng NPA sa naturang dalawang kompanya nitong nakaraang mga araw.

Bagama’t mariing itinatanggi ng reaksyunaryong gubyerno ang pag-iral ng DGB, ayaw man nilang tanggapin ay kinikilala na ng sambayanang Pilipino. At marapat ding kilalanin ng alinmang kompanya sa bansa.

https://www.philippinerevolution.info/statements/20170327-hakbang-pamamarusa-sa-2-kompanya-ng-konstruksyon-iginawad-ng-npa

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.